Kabanata 6

3 1 2
                                    

Hindi alam ni Heather kung ano ang pumasok sa isip niya at talagang sa ilalim pa ng punong acacia niya napiling tumambay. Absent ang prof nila kaya isang oras bakante bago ang huling klase niya.

Sa di kalayuan ay natatanaw niya ang mga istudyante sa field. Naririnig din niya ang hiyawan at tilian ng mga kababaihan.

Hindi naman siya pwede sa garden dahil maraming istudyante ang nandun at ayaw niya ng maingay at crowded na lugar. Hindi siya makapagconcetrate kapag ganun dala ng matalas na pakiramdam at pandinig niya.

Sa library naman ay puno naman ng istudyante dahil mayroon aktibidad na ginagawa doon.

Nang matanaw niya ang spot na ito ay kusa ng humakbang ang mga paa niya at sa palagay naman niya ay hindi siya maaabala ng mga istudyante sa di kalayuan.

Binuklat niya ang dalang libro. Isang english novel iyun. Sa hilig niya sa pagbabasa gusto niya din magsulat ng isang kwento. Pero nasa isip lang niya iyun kasi tamad siya magsulat kung tatangkain naman niya hindi na niya itutuloy pa. Nakakatawang isipin pero iyun ang kakaiba sa kanya. Sila magkakapatid ay may mataas din IQ,actually doble pa nga sa normal na talino na meron ang isang tao pero gusto nila maging patas lalo na nandito sila sa mundo ng mga tao kung saan hindi ka pwede maging kakaiba.

Ika nga ng kanilang Lolo Felicito,sa oras na malaman ng mga tao ang kakaibang kakayahan na meron sila magkakapatid maaaring ikapahamak nila iyun. Saksi din sila kung gaano kagulo ang mundong ito.

Hindi patas lumaban ang may kapangyarihan. Nanatili sa ilalim ang mga taong patas kung lumaban.

Malupit ang mga tao. Kung malalaman ng mga ito ang existing nila paniguradong may paglalagyan sila.

Pero bakit tayo itinadhana sa isang tao? Panigurado gaya natin ay tiyak may nakatira din dito!

Katanungan iyun sa kanila magkakapatid pero hindi pa rin sila tiyak baka isa sa kanila ay itinakda sa tao at sa palagay niya,siya yun.

Pero kailangan pa rin niya makompirma kung ang Amias nga iyun ang mate niya.

"Hi,"pagbati niyun sa pamilyar na boses.

Kaagad na napalingon si Heather ng makita ang lalaki na nakatayo sa gilid ng puno na siyang kinasasandalan niya.

Napalalim ang pag-iisip nila ng lobo niya at hindi niya namalayan ang paglapit nito.

Nang matanto na nasa tabi lang niya ang lalaki ay kaagad na nagreak ang puso niya.

Heto na naman.

Can't stop it...

Reklamo din sa kanya ng kanyang lobo dahil nararamdaman niya ang pagkabuhay nito sa sistema niya.

"Hi,"pagbati nito na pumukaw sa kanya .

Kaagad na binawi niya ang tingin rito. Huminga ng malalim saka tangkang tatayo mula sa pagkakasandig niya sa puno ng mabilis ito magsalita.

"Naistorbo ba kita? Aalis din ako kaagad. Natanaw ko kasi may tao dito at parang pamilyar kaya pumunta ako dito para kumpirmahin,"saad nito na kinatigil niya sa paggalaw.

"Heather,right?"dagdag nito sa pagsambit ng pangalan niya.

Napatitig siya rito. Hindi na siya magtataka na alam na nito ang pangalan niya dahil pagkakaalala niya ay binanggit ni Hazel ang pangalan niya ng lumapit ito sa kanila kahapon.

"Nakita ko sa student profile mo,"wika nito na pinagkunot niya ng noo.

Student profile niya?

Hindi ba nito narinig na tinawag siya ng kapatid sa pangalan niya?

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now