Kabanata 1

3 0 0
                                    

After Eighteen years...

Isang ugong mula sa sasakyan ang paparating na maririnig mula sa mansyon ni Don Felicito. Nagkagulo ang limang kasambahay dahil sa excitement na masalubong ang mahalagang bisita na lulan ng sasakyan iyun.

Tulak-tulak naman ni Josie ang wheel chair ni Don Felicito papunta sa bukana ng mansyon upang doon hintayin ang inaasahan nitong mga bisita.

"Nandito na ang mga apo niyo,Don Felicito!"may excitement na saad ni Josie sa tapat ng tainga ng Don. Hindi na kasi ganun kalakas ang pandinig ng matanda kung kaya kailangan lakasan ang boses o malapit sa tainga nito upang makarinig.

Nastroke ang matandang Don at biglaan iyun. Naapektuhan ang katawan nito kung kaya hindi na ito makalakad pa at ayaw naman din magtheraphy ang matanda dahil ang sabi nito tanggap nito ang kapalaran na maging bandado.

Hindi man maikilos ni Don ang katawan mababanaag ang kasiyahan sa mukha nito na sa wakas ay makakasama na niya muli ang kanyang mga apo.

Huminto ang isang wrangler jeep na itim sa tapat ng mansyon. Bumukas ang pinto sa driver's side kung saan unang bumaba roon ang isang matangkad at magandang dalaga na si Hazel.

Agad na gumuhit ang maganda nitong ngiti sa mga labi ng makita ang Don.

"Lolo Fel!!!"masayang bati ni Hayley.

Kung wala lamang ibang tao roon baka nilundag na ng dalaga ang Lolo Felicito niya.

Bumukas naman ang pinto sa passenger's side. Si Hayley.

"Lolo Felicito Ezme!"pagkaway naman nito sa Don at tumabi sa naghihintay na si Hazel.

Ang huli bumaba mula sa backseat ay si Heather.

Inihip ng hangin ang brown na alon-alon na buhok nito. Inayos ang suot na salamin sa mata saka tipid na ngumiti at kumaway sa matanda.

Naunang lumapit si Hazel kasunod si Hayley. Huling lumapit si Heather at tahimik na hinalikan sa nuo ang matanda pagkatapos magmano rito.

"Jusko,ang gaganda niyong mga dalaga!"manghang untag ni Josie sa tatlo.

"Thank you,Nay Josie! Ikaw po lalo kayong bumata ah!"tugon ni Hayley rito.

Nagkatawanan ang mga kasambahay na nakikinig sa kanila sa tila pabirong sabi ng dalaga.

"Huwag muna bulahin si Nay Josie. Sumasakit na balakang niyan,"turan ni Hazel na kinatawa ng lahat.

"Tumigil na kayong dalawa. Binubully niyo na naman si Nanay Josie,"saway ni Heather sa mga kapatid.

Nginisihan lang siya ng dalawang pasaway na kapatid niya saka kinamusta ang matandang mayordoma.

"Kamusta na po ang pakiramdam niyo,Lolo Fel?"may pag-aalalang tanong niya sa Lolo Felicito nila.

Hinagod ng mga mata niya sa likod ng suot na salamin ang kabuoan ng matanda. Namayat ito at malaki ang itinanda sa huling nakita nila ito sa video call.

Nanggaling pa sila sa America kung saan doon sila nag-aral simula ng hayskul. Nasa unang taon na sila ng kolehiyo. Nang matanggap ang tawag mula kay Nanay Josie na sinugod sa ospital ang matanda ay kaagad na nagdesisyon sila na umuwi ng pilipinas upang bisitahin ang matanda. Mabuti na lamang ay hindi sila nahirapan magpaalam sa pinasukan nilang unibersidad.

Wala pa silang napag-uusapan magkakapatid kung babalik pa ba sila sa amerika para ipagpatuloy ang pag-aaral doon o manatili ng pilipinas at dito na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Wala ibang anupaman na mahalaga at importante sa kanilang magkakapatid kundi ang Lolo Felicito nila. Hindi naman talaga nila kagustuhan na mapalayo sa matanda dahil ito mismo ang nagpasya na dalhin sila tatlo sa amerika.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now