Kabanata 16

0 0 0
                                    

Tuluyan nga nasuspinde si tiffany at ang grupo nito. Isang linggo ang hinatol para sa mga ito bukod roon ay magpapublic service ang mga ito sa buong unibersidad. Gagaan ang trabaho ng tatlong maintenance ng iskol.

Kinatuwa naman iyun ng mga matagal ng may hinanaing at ayaw sa grupong iyun.

Tahimik na binabagtas ni Heather ang field papunta sa punong acacia. Gaya ng nakasanayan,iilan pa lang din ang istudyante dahil masyado pa maaga para sa oras ng mga klase.

Natigilan siya ng matanaw na nakatayo roon si Amias. Naghihintay ito sa kanya.

Kaagad naman nagreak ang puso niya.

Nakasuot ito ng pangsoccer na uniporme. Maaga ang practice ng mga ito. Tuwing biyernes ay maaga ang ensayo ng mga ito at ayon yun sa narinig niya sa mga kaklase kaya alam na alam na niya ang iskedyul ng practice at oras ng klase nito.

Tumigil siya sa harapan nito isang hakbang ang distansya mula rito.

"Goodmorning!"pagbati nito.

"Goodmorning,"tugon niya saka napadako ang tingin niya sa hawak nito paper bag.

"Si Mama ang bumili nito. She knew what happen,"saad nito. "She so furious when she found out what happen to you and to your bread,"dugtong nito.

She's speechless.

"Here,"paglahad ng hawak nito paper bag sa harapan niya.

Tahimik lang siyang na kinuha niya iyun rito. Nang magkadikit ang kanila mga kamay. Parehas na naman sila nagulat dahil sa kuryenteng iyun.

"The sparks,"usal nito at saka nakatitig sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Salamat. Tell to Tita Cecil of my thanks,"usal niya sa kalmanteng tono.

Tumango ito habang nasa kanya pa rin ang mga mata nito.

Nagkatitigan lang sila ng mga sunod na sandali. Walang salita na lumalabas sa bibig nila kundi ang mga mata nila magkapagkit lang ang kumokonekta sa kanila.

Umihip ang maligamgam na pakiramdam ng hangin pang-umaga. Hindi naputol ang pagtitig nila sa isa't-sa na para bang ang mga mata nila ang nag-uusap.

"Amias!!!"

Naputol lamang iyun ng makarinig sila ng malakas na pagtawag sa pangalan nito. Sabay nila nilingon ang tumawag na iyun.

May kalayuan ang tumawag rito na kagaya ng suot nito ay iyun din ang suot. Ang ka-team mate nito.

"Magpapractice na siguro kayo,"untag niya rito. Kaagad na ibinalik nito ang atensyon sa kanya.

"Yes,as a team captain, ako nagsisimula for our warm up,"saad nito saka napahawak sa batok nito.

Tumango-tango siya. "Sige na.."

Tila naman nag-aalangan ito na iwan siya.

"Go. Dito muna ko,"turan niya rito.

Tumango ito saka huminga ng malalim. May gusto itong sabihin. Kaya hindi na siya nagsalita pa.

"Uh,gusto mo bang manuod?"mayamaya sabi nito.

Sumulyap siya sa kinaroroonan ng kasamahan nito na ngayon ay nakatanaw na sa kanila pero wala lumalapit. May ilan na din nakaupo sa mga upuan na naroroon para manuod.

"Gusto ko na...panuorin mo ako,i mean,kami kung paano kami maglaro,"saad nito. Napangiwi pa ito sa sinabi na tila nagkamali pa ng sasabihin at tinama naman sa huli.

Sige na. Mate natin yan dapat suportahan natin saka wala naman dun ang mga bruha at hindi dapat tinatanggihan ang inbitasyon ng isang binata sa isang dalaga kagaya mo!

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now