Kabanata 4

1 0 0
                                    

Gaya ng mga nakaraan araw tuwing uwian ay nagpapahuli si Heather. Hinihintay niyang makalabas ang mga kaklase niya ng classroom saka mananatili pa siya dun ng ilang sandali pa. Ginagawa niya iyun para iwasan ang pagkakataon na baka magkasalubong sila ng Amias niyun lalo na iisang lagusan lang ang labasan.

Isa pang dahilan ay ng makita niya na tumatambay pa ang grupo nito malapit sa gate kaya naman tila magkakastampede sa gate para lang masilayan ito at ng grupo nito.

Napag-alaman niya ng student councilor president si Amias. Team captain sa soccer. Achiever and Genious. Dean list din ito. Magtatapos na sa kursong engineering.

Hindi naman niya iyun inalam narinig lang niya iyun sa tuwing pag-uusapan ng mga kaklase niya ang lalaki at naririndi na nga siya dahil paulit-ulit lang ang mga ito ng pinag-uusapan.

Itong pag-iwas niya sa ganitong paraan ay akala niya safe na hindi pala. Hindi niya inaasahan na magkikita sila nito. Nasa labas ito ng classroom nila at parang tulala pa nga habang nakatingin sa kanya.

Maliit talaga ang mundo at kahit anong pag-iwas mo o pagtago ay pagtatagpo-tagpuin talaga kayo.

But why?

Saka bakit ba siya umiiwas?

Pwede naman siya magsinungaling dito sa kung anuman ang nakita nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya saka nagpasya ng ligpitin ang mga gamit saka ipasok sa itim na bag pack niya pagkaraan ay sinukbit ang isang straps niyun sa kanan balikat niya at lumabas na ng classroom.

Kaunti na lang ang mga istudyante. Wala na din ang umpukan sa may gate na akala mo sinehan sa dami na nakapila roon.

Sinuyod muna niya ang buong paligiran lalo na ang palibot ng gate ng matiyak na clear naman ang paligid at wala doon ang iniiwasan niya ay saka siya humakbang palabas na ng gate.

Nang makalabas ay tinungo niya ang kinaroroonan ng bisekleta niya.

Nagpabili siya ng bisekleta kay Nanay Josie para hindi na siya ihatid-sundo pa. Marunong naman siya magdrive pero ayaw lang talaga niya magdala ng sasakyan. Mas gusto niya magbisekleta na lang bawas pollution pa.

Sumampa siya ng bisekleta niya saka nagpedal na. Kalahating oras ang tagal na pagbibisekleta niya bago niya marating ang mansion. Kung sa kotse kinse y minutos lang.

Saka ligtas naman magbisekleta lalo private property ang kinaroroonan ng mansion maliban sa dadaanan niyang kalsada bago siya lumiko kung saan rough road ang daan. Hindi na iyun pinagkaabalahan pang ipasemento ng Lolo Felicito nila. Gusto kasi raw nitong mapanatiling ang natural na anyo ng paligid na pag-aaari nito.

Maingat at alerto siya nagbibisekleta sa gilid ng kalsada. Hindi kabilisan ang pagpedal niya dahil gusto niyang namnamin ang hangin na tumatama sa kanya.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan at hindi niya iyun binigyan ng pansin pa dahil may dumadaan naman talaga roon mga sasakyan.

Iniliko niya pa pagilid ang bisekleta ng marinig na papalapit na ito sa kanya. Kahit hindi niya lingunin ang paparating ay alam niyang malapit na iyun sa kanya.

Hindi naman naglaon ay lumagpas na sa kanya ang isang kulay pulang kotse. Hindi iyun klaseng normal na kotse lang. It's a sports car.

Hindi siya ganun kapamilyar sa mga sasakyan pero alam niya sports car ang dumaan na iyun.

Bukod doon at sa jeep wrangler ng kapatid iyun lang ang alam niyang disenyo ng isang kotse.

Nagpatuloy siya sa pagpedal ng mapuna na huminto ang kotse. Hindi na sana niya iyun papansinin pa ng bumukas ang pintuan sa kaliwang bahagi ng kotse at bumaba roon ang taong isang linggo na niyang iniiwasan.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now