Kabanata 12

0 0 0
                                    

Bitbit ang isang libro ay tinahak ni Heather ang hallway upang magtungo sa library. Pinarenovate iyun ng Lolo Felicito niya ng nakakabasa na sila. Ang dating puro business article o mga librong tungkol sa pagnenegosyo o mga agricultural books ay napalitan ng mga iba't-ibang klaseng nobela. Poem at mga sinaunang kwento. Ang library sa mansyon ay siya din naging safe haven niya bukod sa sapa.

Walang pasok kaya uubusin niya ang oras sa pagbabasa ng bagong dating na mga libro na inorder niya pa sa ibang bansa. Limited books ng paborito niyang writer.

Nasa loob na siya at handa ng magbasa ng bumukas ang pintuan ng silid. Hindi na niya kailangan lingunin pa iyun kung sino ang dumating. Alam ni Nanay Josie,araw ng pananatili niya sa silid.

May bitbit itong isang tray na may laman na meryenda niya.

"Thank you,Nay Josie.."pasasalamat niya na hindi ito nililingon.

"Walang anuman,Hija..dito ka lang ba?"

Salubong ang kilay ni Heather na lingunin ang matanda sa tinanong nito.

"Uh,kasi may darating na bisita. Ah,sinabihan ka ba ni Hazel"may kunot ang noo nitong saad.

"Wala naman po siya sinasabi,Nay Josie,"tugon niya.

"Ah,ganun ba. Kakilala ng Lolo Felicito mo at baka tungkol sa business kaya hindi na kayo sinabihan ni Hazel,o,siya. Iiwan na kita at titignan ko kung naayos na ang salas para sa bisita na darating,"paalam na ng matanda.

Nagkibit na lamang ng balikat si Heather at ng magsara ang pintuan ay tinuon na niya ang atensyon sa bagong libro na binili.

Samantala,abala na ang mga tao sa baba ng mansyon dahil dumating na ang hinihintay na bisita ni Hazel. Naroon din ang abogado ng kanilang Lolo Felicito.

Nang humimpil ang isang itim na kotse ay agad na bumaba roon ang sakay niyun.

Natigilan si Hazel ng makilala ang huling bumaba mula sa back seat.

Si Mr. Roberto Gregorio ang inaasahan niya bisita. Hindi niya alam na anak pala nito si Amias. Marahil ina nito ang maganda at mukhang istriktang babae na inalalayan ng binata.

Kaagad na pinakilala siya ng abogado sa mga ito. Namamangha at napapangiti na makilala niya ang pamilya ng lalaking itinadhana sa kapatid niya.

Mr.Roberto looks so powerful and very bossy look. Nakikita niya sa kilos ng matanda lalaki ang nakikita niya kay Amias.

"Hi,nice to see you...again,Amias,"nakangiti niyang pagtanggap sa palad nito.

Nakatutok sa kanya ang mga mata ng ginang na tila kinikilatis siya.

Hindi naman siguro siya nito iniisipan na ipareha sa anak nito. Hindi naman sa nag-iilusyon siya mayroon kasi ganun mga nanay na sila ang namimili para sa mga anak nito.

May mababanaag kasing pagkamangha sa mga mata ng ginang sa kabila ng makikitaan ito ng pagkaistrikta. Ramdam niya ang strong will nito.

Parang si Heather lang. Tahimik pero naghuhumiyaw sa katapangan at iyun ang nakikita niya sa magiging future in-law ng kapatid.

"Nagkita na pala kayo ni Amias?"ang ama nito na pumukaw sa kanila ng binata.

Nakangiti na hinarap niya ito.

"Isang beses,Mr.Gregorio. Magkasama sila ng kapatid ko kaya nagkita kami ni Amias,"matapat niyang tugon.

Napansin niya ang pagtaas ng kilay ng katabi nitong asawa saka sumulyap kay Amias na nasa tabi niya.

"Magkaibigan po kasi sila ni Heather,"agad na dugtong niya. Sinamantala niya iyun upang makita pa ang magiging reaksyon ng ginang.

Namilog ang mga mata ng ginang na lihim niyang kinasiya. Hindi naman niya pinagti-trip-an ang ginang. Gusto lang niya subukan kung hindi ba ito mapili sa manunugangin nito.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now