Simula

4 0 0
                                    

Panting. Breathless.

Buong buhay ni Agatha ay hindi niya inisip na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Ang payapa at tahimik na mundo nila mga lobo ay tila magwawakas na dahil sa pagrerebelde ng kanila mga lahi. Inggit at kapangyarihan ay siyang naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang tinuring na niyang mga anak.

Bitbit ang isang may kalakihan basket kung saan nasa loob niyun ang tatlong sanggol na babae na kanyang ililigtas mula sa kalupitan ng kanilang lahi.

Balewala ang mga sugat na nararamdaman lalo na ang tama ng palaso sa kanyang balikat. Nahihirapan na siyang huminga. Wala na siyang kakayahan pang mag-anyong lobo lalo na may bitbit siyang isang basket. Tahimik lang ang mga sanggol na tila nakikisama sa pagtakas niya sa mga ito upang hindi sila masundan ng mga rebeldeng lobo.

Pilit na kinakalma ang sarili ni Agatha na huwag madala ng pighati at pagdadalamhati sa tatlong babaeng na tinuring na niyang mga anak. Hindi niya mapaniwalaan na sa isang iglap ay sabay-sabay ang mga itong namatay sa harapan niya.

Masaya silang nagsasalo-salo noon sa isang tahimik na hapunan. Binisita siya ng mga ito dala-dala ang mga anak ng mga ito ng sumiklab ang gulo sa kanilang baryo. Pinasok ng mga rebeldeng lobo ang bawat tirahan dahilan upang manlaban ang kanyang tinuring na mga anak pero hindi iyun naging sapat upang maging ligtas ang mga ito dahil napaghandaan ng mga rebeldeng lobo ang lahat.

Kitang-kita niya kung paanong labanan ng mga ito ang mga rebelde at hanggang sa hindi na makalaban pa ang mga ito at tanging nagawa na lamang niya ay iligtas ang tatlong sanggol na anak ng mga ito.

Isang malakas na singhap ang kumawala kay Agatha ng maulinigan ang mabibigat na yabag na sumusunod sa kanya.

Hindi.

May nakakita sa kanya!

Mas lalong binilisan ni Agatha ang pagtakbo hanggang sa makatawid siya ng sapa. Napapaigik sa tuwing masusugatan ng mga sanga at matutulis na bato pero wala ibang mahalaga ngayon para kay Agatha kundi ay mailabas niya sa kabilang mundo ang mga sanggol.

"Naaamoy ko siya! Sa direksyon iyun!"

Nangilabot na sa takot at kaba si Agatha ng matunton na ng mga sumusunod sa kanya ang tinatahak niya.

Diyos ko,huwag Niyo sana kaming hayaan mahuli. Kailangan kong mailigtas ang mga bata!

Paulit-ulit na nagdarasal si Agatha na sana ay mailigtas niya ang mga bata kahit ikamatay pa niya iyun.

Isang halinghing mula sa mabangis na hayop ang pumainlanlang sa paligid ng  takbuhin ni Agatha ang talon.

Iyun ang sekretong lagusan na kumokonekta sa mundo ng mga lobo at mundo ng mga tao.

Halos magkadarapa si Agatha matakbo lang niya ang talon. Ilang hakbang na lamang ay mararating na niya ang likod ng rumaragasang tubig mula sa tuktok ng talon.

"Ayun siya!!!"

Nanlaki ang mga mata ni Agatha ng lingunin niya ang sumigaw na iyun. Sa kanyang kadesperaduhan na makalapit sa talon ay mabilis na tumakbo siya hanggang sa maramdaman niya na may bumaon sa likuran niya. Binalewala ni Agatha ang sakit hanggang sa makarating siya sa bukanan ng kweba.

May limang itim na lobo ang nangangalit ang mga mata na mabilis na lumundag papunta sa kanya.

Ang talon na iyun ay binalutan ng dasal mula sa ninuninuan ng mga lobo. Ang lugar na hindi basta-basta malalapitan at hindi malalapitan ng may maitim na puso.

Gaya ng inaasahan ay hindi nakalapit ang mga lobo sa hangganan ng talon kung saan nasasakupan iyun ng dasal.

Tumalsik lamang ang mga ito sa paulit-ulit na pagtangkang lapitan ang talon kung saan nakatayo na roon si Agatha sa gilid ng bukana ng kweba.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now