Kabanata 8

2 0 0
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo ni Heather sa kanyang bisekleta. Ibinuhos niya roon ang nararamdaman emosyon sa pagpapatakbo niyun. Hindi alintana ang lubak-lubak na daanan pauwi sa mansyon.

Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman. Iniwan niya ang lalaki pagkatapos nito makita ang pinakatatago niyang kakayahan bilang isang lobo.

Hindi nito iyun dapat makita!

Huli na. Nakita na niya!

Hindi. Bakit kailangan makita pa nito iyun?

Humigpit ang pagkakapit niya sa hawakan ng bisekleta at kung hindi lamang matibay iyun malamang nagkalasog-lasog na ang kadena niyun sa sobrang tulin niya magpatakbo.

Anong gagawin niya ngayon?!

Wala dapat makaalam kung ano siya..sila magkakapatid!

Halos ibalibag niya ang bisekleta pagdating niya sa tapat ng mansyon. Wala ibang bagay na umiikot sa isip niya kundi ay kung paanong mapapatahimik ang lalaki sa nakita nito.

Anong gagawin mo,aber?!

"Oh,hija. Mabu--"

Napatigil ang matandang katiwala sa pagbati sa bagong dating na si Heather ng marahas itong lumingon sa kanya.

Nasa mukha nito ang galit at inis. Mabalasik ang anyo nito. Ang mga mata nito na kayang manakit ng tao ng walang pagdadalawang-isip.

Sa loob-loob ng matanda. Nagulat man at nabahala hindi ito nakaramdam ng takot.

"Mukhang hindi maganda ang mood mo,Hija..mabuti pa magpahinga ka na sa silid mo,"pukaw niya rito pagkaraan mabigla sa inakto ng dalaga.

Noon naman natauhan si Heather.

Calm down now. Tama na isang tao lang nakakaalam kung sino ka!

Humugot ng hangin si Heather at pinilit na kalamayin ang sarili. Saka unti-unti pinakawalan ang hangin.

"P-Pasensya na po,Nay Josie.."nahihiya at guilty niyang sabi na hindi tumitingin rito.

"Ayos lang. Magpahinga ka na muna,"masuyong sagot ng matanda.

Tahimik siyang tumango saka nilagpasan ito papasok ng mansyon.

Nang makapasok ang dalaga ay napabuntong-hininga naman si Nanay Josie.

"Ngayon ko lang nakita ang tunay na Heather,"usal ng matanda habang sinusundan ng tingin ang dalaga na papaakyat na sa hagdanan.

Lingid kasi sa kaalaman ng magkakapatid ay alam niya ang tunay na pagkatao ng mga ito. Ang lihim ng mga ito bilang mga lobo.

Noon una ay hindi iyun mapaniwalaan ng matanda. Hindi sinasadya kasi na madiskubre iyun ng matanda.

"Talaga itong si Don Felecito. Lagi na lang iniiwan ang gamot niya sa highblood!"bulalas ni Nanay Josie habang tinatahak ang bukid patungo sa kubo kung saan naroroon ang mag-Lolo.

Ayon rito ay doon ang mga ito magpapalipas ng gabi pero nakalimutan naman nito dalhin ang maintenance nito sa highblood.

Mabuti na lamang ay maliwanag ang gabi dahil sa full moon kaya hindi nahirapan ang matanda sa paglalakad sa madamo at mabatong daanan.

Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang bukid. Bilib talaga siya kay Don Felicito. Kayang-kaya kasi nitong bantayan at alagaan ang tatlong bata na napulot nito sa kagubatan. Hands on kasi ang Don sa pag-aalaga sa mga ito ngayon naglalakad na ang mga ito ay mas lalo naging hands on ang huli.

Maliwanag ang kubo na nakatirik sa gitna ng bukid.

"Hay naku! Kapagod maglakad!"reklamo na ni Josie.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon