Kabanata 2

4 0 0
                                    

Humimpil sa harapan ng V.LEDEO UNIVERSITY ang isang itim na Jeep wrangler na minamaneho ni Hazel.

Nilingon ni Heather ang kapatid ng ihinto nito ang sasakyan.

"Salamat sa paghatid,"aniya.

Umakto itong humalik sa hangin na may kasamang tunog. Alam nitong hindi siya nitong mahahalikan sa pisngi dahil nanigarilyo ito bago sila umalis ng bahay.

Napailing na lamang siya. Sa kanilang tatlo. Si Hazel ang may bisyo. Well,sigarilyo lang naman pero hindi naman ganun kalala. Naninigarilyo lang daw ito kapag stress at hindi niya irireklamo yun ngayon dahil alam niyang stress ito ngayon sa pag-aasikaso sa naiwan ng kanilang yumaong Lolo Felicito.

Kaagad sumikip ang dibdib ni Heather ng maalala ang Lolo Felicito nila. Isang buwan na ang nakalipas mula ng mamaalam ang kanilang Lolo Felicito. Hindi nila akalain na huling gabi na pala iyun na makakasama nila ang matanda.

Napakahirap tanggapin ang pagkawala nito. Alam nila na masaya ito ngayon dahil kasama na nito pinakamamahal nitong asawa. Ang Lolo Felicito nila ang nag-iisang tao na tumanggap sa tunay na pagkatao nilang magkakapatid.

Kung hindi lamang sa mga sermon ni Nanay Josie at ng encourage of words nila magkakapatid sa isa't-isa baka wala siya ngayon sa tapat ng unibersidad para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Napagpasyahan nila tatlo na manatili na lamang sa bansa at dito na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral lalo na may mga negosyong naiwan ang matanda at marami ang umaasa dun.

Si Hazel ang siyang tutok sa naiwan ng matanda dahil ito ang may future sa pagnenegosyo. Business administration  ang kurso nito at pasamantala online class muna ito dahil abala pa ito sa pagtutok sa negosyo sa tulong ng abogado ng matanda.

"Gusto mo ihatid pa kita sa loob?"untag sa kanya ng kapatid saka ngumisi.

Naitirik niya ang mga mata sa likod ng suot niyang salamin na kinatawa naman nito.

"Hindi naman ako bata para ihatid pa sa loob ng classroom,"pataray niyang tugon rito.

Tumawa ito muli sa sinabi niya. Naiiling na sinukbit na niya ang bagpack sa isang balikat niya saka binuksan ang pintuan.

"Enjoy your first day,Sissy!"

"Yeah,sige na. Ingat sa daan,"aniya saka palundag na bumaba ng sasakyan dahil may kataasan iyun.

Mabuti na lang hindi required ang proper uniform sa nasabing unibersidad. You can wear what you want as long as it's look presented.

Umugong ang sasakyan na siyang kinalingon ng mga istudyante na papasok sa gate. Saka isang busina ang pinukol ng kapatid bago nito tuluyan pinausad ang sasakyan.

Malaki ang V.LEDEO Univ. Ito ang unibersidad na afford ng mga walang kakayahan makapagkolehiyo. Nag-aalok ng scholarship para sa mga dukhang may kakayanan pagdating sa akademya.

Abala pa kasi kung sa Manila pa sila mag-aral lalo na kung apat na oras ang gugulin nila pabalik-balik mula sa mansyon. Ayaw naman nila umalis roon kaya minabuti na lamang nila dito na lang mag-aral.

Ang abogado ng Lolo nila mismo ang siyang nag-asikaso sa paglipat nila ng unibersidad. Madali naman na ang lahat dahil sa modernong teknolohiya.

Dalawang buwan na mula ng magsimula ang klase kaya naman kailangan niyang maghabol sa bawat unit na kinuha niyang kurso.

Mass communication is not that easy course. She love reading books. Sa kanila tatlo magkakapatid siya ang may pagkaweird sa kanila.

Humakbang na siya papasok ng gate at bago siya makapasok kailangan muna iscan ang code sa i.d niya. Nang matapos ay tuluyan na siya nakapasok sa loob. Namangha siya ng matanto na malawak ang loob. Mataas ang building. May open field din sa kaliwang dako ng lugar. Natatanaw niya ang mga naroroon na may naglalaro. Soccerr field. Base sa natatanaw niyang may sumisipang bola mula sa isang lalaki na hinahabol ng iba pang naglalaro.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon