Kabanata 14

0 0 0
                                    

Gusto sabunutan ni Heather ang sarili ng maalala ang sinabi niya kay Amias. Pagkatapos niya bitawan ang mga salitang iyun na akala mo ay pag-aari na niya ang lalaki ay agad-agad na iniwan niya ito.

Totoo naman. Sa atin naman talaga siya.

Huminga ng malalim si Heather. Daladala ang paper bag na may cinnamon roll na bigay ni Tita Cecil paglabas niya ng classroom. Breaktime,kaya lahat ay papunta ng canteen o kaya naman hanap ng pwesto na pagkakainan.

Sa canteen siya kumakain pero dahil may bigay si Tita Cecil ay iyun ang kakainin niya kaya maghahanap siya ng pwesto.

Napangiti siya. Gusto siya ng Mama ni Amias. Hindi naman ito magbibigay ng pagkain sa kanya kung hindi ito interesado sa kanya.

Paliko na siya sa dulo ng hallway palabas ng building ng may biglang humatak sa kanya at kaladkarin ng kung sino man.

Napasinghap siya ng basta na lang siyang itulak niyun sa nakabukas na pintuan. Bumagsak siya sa kung saan may mga tambo,dustpan at walis.

Inayos niya ang pagkakatabingi ng suot niyang salamin saka nag-angat ng tingin kung sinuman ang nagdala sa kanya sa lugar na iyun.

Sakmalin ko na kaya!

Nakangising grupo ang nakatunghay sa kanya pag-angat niya ng tingin.

Nakahalukipkip na nilapitan siya ni Tiffany.

"Nasaktan ka ba? Lalampa-lampa ka kasi!"nakangisi nitong sabi sa kanya. Naghagikhikhikan naman ang mga alipores nito.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak niya sa sahig saka dinampot ang paper bag. Ayaw niya nagsasayang ng pagkain kaya hindi dapat matapon ang pagkain na binigay sa kanya ni Tita Cecil.

Natigilan siya ng bigla na lamang hablutin sa kanya ni Tiffany ang paper bag. Mabilis na napigilan niya ang sarili na angilan ito dahil hindi niya gugustuhin na bigla na lang siya mawala sa sarili.

"That's mine,Tiffany,"mahinahon niyang sabi.

Nginisihan lang siya nito saka walang pag-aanlilangan na tinapon nito ang laman ng paper bag.

Umawang ang mga labi niya ng makita ang pagkakahulog ng cinnamon roll sa maruming sahig mula sa pinaglalagyan nitong kahon.

Naghagikhikan muli ang mga ito.

"Aww,sorry,nahulog!"painosenteng turan ni Tiffany na kinatawa ng grupo nito. Saka nito inapakan ng suot nitong pink na sneakers. "Ay,naapakan ko. Sorry. Nadumihan tuloy ang branded sneakers ko!"maarte nitong saad.

"Mukha pa naman masarap!"anang ng isa saka sabay-sabay na nagtawanan.

Ikinuyom niya ang mga palad.

Sumusobra na sila!

"Bakit kaya bigla nagpalagay ng mga CCTV sa buong school? Hindi kaya may nagsumbong sa admin office na may nangbubully raw dito?"makahulugan nitong saad na alam niyang direkta iyun para sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin rito. Huminga siya ng malalim. Hindi siya makapaniwala na ganun na lamang ito magsayang ng pagkain. Bigay iyun sa kanya ni Tita Cecil!

Hindi niya matanggap.

Wag mo na ko pigilan! Kailangan sila turuan ng leksyon!

"Ang sama mo makatingin ah! Guilty ka noh?!"sita sa kanya ng isa pa sa mga ito.

Ikinuyom niya ang mga palad. Hindi niya na kaya pang magpigil. Hindi niya na makokontrol ang galit na nabubuhay sa dibdib niya sa ginawa ng babaeng nasa harapan niya.

"O.M.G..she look scary! Haha!"

Mga lapastangan!

Isang malakas na pagtulak ang ginawa ni Tiffany sa kanya upang mawalan siya ng balanse. Bumangga siya sa pader naging dahilan din upang mahulog ang salamin niya sa sahig.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now