Kabanata 10

1 0 0
                                    

Hindi kinikibo ni Heather ang kapatid na si Hayley habang naghahapunan silang tatlong magkakapatid. Napuna iyun ni Hazel dahil kahit tahimik naman talaga si Heather sa kanila tatlo may tensyon sa pagitan ng dalawa.

Nang hindi na makatiis si Hazel ay sinita nito ang dalawang kapatid.

"Anong problema niyo dalawa?"

Kaagad natigil sa pagnguya ng pagkain si Hayley samantalang tuloy-tuloy lang sa pagkain si Heather.

Inis na inis si Heather sa ginawa ng kapatid.

Tama ba na pagbantaan nito si Amias?

Natural naman yun dahil gusto ka lang protektahan...

Hindi sinang-ayunan ni Heather ang sinabi ng lobo niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos at doon itinuon ang inis na nararamdaman.

"Wala ba sasagot sa inyo dalawa?"

Napaangat ng tingin si Heather sa kapatid na nasa kabisera nakaupo samantala magkatapat naman sila ni Hayley sa mesa.

Pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa kanila dalawa. Naghihintay na sagutin ito.

"Hindi naman ganun kaseryoso sinabi ko eh,"mayamaya sabi ni Hayley.

Tumutok ang mga mata niya rito. Nginisihan naman siya nito ng magtama ang mga mata nila. Alam nito na inis na inis siya rito pero base sa hitsura nito ay mukhang gusto pa talaga siya nitong asarin.

"Tigilan niyo yan tinginan niyo dalawa.  Anong problema niyo?"mariin na sabi sa kanila ni Hazel.

Sa kanila tatlo kapag sa ganitong sitwasyon ito ang umaastang ate ngayon sa kanila kahit magkakaedad lang naman sila pero kahit sino sa kanila tatlo at depende sa sitwasyon ay nagiging ate para ayusin ang gusot na pwedeng mamagitan sinuman sa kanilang tatlo.

"May nangbubully sa kanya,"saad ni Hayley na kinatigilan ni Hazel.

"What?!"bulalas ni Hazel ng makabawi sa narinig.

Ibinalik niya ang atensyon sa plato. Kung tutuusin hindi naman iyun big deal sa kanya dahil kaya naman niya patahimikin ang mga iyun. Masyado lang talaga overreacting si Hayley.

"Is that true,Heather?"

Binaba na niya ang kubyertos na hawak sa hindi pa nauubos na pagkain sa plato niya saka sinalubong ang mga mata ng kapatid.

Matalim ang mga mata nito na anuman sandali ay handa na itong manugod kung sino man ang nangbubully sa kanya.

"Hindi naman na kailangan pang bigyan yun ng pansin. I can take care of myself from them,"malamig niyang sagot.

"Hahayaan mo lang? Ganun?!"may galit sa boses na sabi ng kapatid sa kanya.

Sumandal siya sa sandalan ng upuan. "Anong gusto niyo gawin ko? Saktan ko sila para manahimik kaagad? Hindi ba sabi niyo ggat kayang magtimpi hayaan lang sila. Pero mukhang nakalimutan mo yun,Hayley. You threaten his life!"mariin at mahihimigan ng panganib ang tono niya sa huling mga salita na sinambit niya.

Marahas na bumaling ang ulo ni Hazel kay Hayley na nakanguso na at nakahalukipkip pa.

Tumalim ang mga mata ni Heather sa inaakto ng kapatid.

"What the hell did you do,Hayley?!"pagalit na turan ni Hazel rito.

Mas lalo humaba ang nguso nito ng marinig ang galit sa boses ng kapatid.

"Eh,hindi ko naman totohanin yun eh. Threat lang naman. As if naman gagawin ko yun,eh,alam ko naman na mate ni Heather yun!"depensa nito sa namimilog pang mga mata.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now