Kabanata 13

0 0 0
                                    

"Mom,i gotta go now!"paalam ni Amias sa ina upang pumasok na.

"Wait,here. Give it to her,"anang ng ina ng ilahad sa kanya harapan ang isang paper bag.

Nangunot ang noo ni Amias sa ina.

"It's cinammon roll. Baka gusto ng kaibigan mo,"turan ng ina at diniinan pa ang salitang kaibigan.

Natatawang kinuha niya iyun sa ina.

"Seriously,Mom. Are you playing cupid with us?"nakangisi niyang sabi sa ina.

"Why not? May malisya ba? Sabi mo kaibigan mo lang?"sagot ng ina. In innocent look.

Natatawang umiling na lamang siya. Alam niyang pinaglalaruan siya ng ina.

"Hindi ka naman nanunukso kapag may babae ako. Ngayon ka lang ganyan,"saad niya sa nakangisi niyang mukha.

"Hindi naman ah. Pinakikisamahan ko naman ang mga naging nobya mo ah,"tugon ng ina.

"I know..pero alam ko natatakot sila sayo,"nakangisi niyang saad. Hindi lingid sa kanya na may ginagawang paninita ang kanyang ina sa mga babaeng pinapakilala niya sa ina. Bilang respeto na din ay kahit panandalian lamang ang mga iyun pinapakilala pa rin niya.

"Pero iba ang tono mo kay Heather?"mapaglaro niyang sabi.

Umismid ang kanyang ina sa panghuhuli niya rito.

"What? Mabait na bata si Heather kahit yung kapatid niya si Hazel at natutuwa lang ako sa kanila dahil kahit sa ibang bansa silang lumaki nanatiling prim at magalang sila. Hindi gaya ng iba mong nobya mga primadona,"turan nito.

Natatawang niyakap niya ang ina.

"So? Boto kayo sa kanya?"

Namilog ang mga mata ng ina sa sinabi niya. Tumawa siya sa naging reaksyon nito.

"You like her,Mom.."usal niya.

Hindi na nga siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Heather dahil panay ang kausap at pagtatanong ng kanyang ina kay Heather. Pakiramdam nga niya wala siya roon ng mga oras na iyun dahil ang mga ito ang nag-uusap hanggang sa matapos ang kanyang ama at mag-aya ng umuwi.

Sigurado siyang nakuha ni Heather ang amor ng kanyang ina at hindi nila maikakaila mag-ina na pareho nilang nakita sa dalaga ang hinahanap niyang babae.

"Well,i am. Matalinong bata pero ramdam ko na hindi lang siya basta babae,"mangha saad ng ina.

Kung alam lamang ng ina ang kakaiba sa dalaga baka mawalan ito sa ulirat at syempre hindi niya sasabihin iyun kahit sa mga magulang niya.

Ililihim niya iyun kahit wala pang pagkompirma mula kay Heather. Kailangan niyang ingatan ang nagsisimula ng ugnayan nila ng dalaga.

"Yes,Mom. She's different like you ,"sang-ayon niya sa sinabi ng ina saka kinindatan ito. Mabilis na siyang nagpalaam sa ina. Kailangan niya maibigay iyun sa dalaga hanggat wala pang masyadong istudyante papasok.

Parang gusto ng paliparin ni Amias ang sasakyan na minamaneho makarating lamang ito kaagad ng iskwelahan.

Sabik na sabik na siyang makita muli ang dalaga. Gaya ng inaasahan niya ay naroon na ang bisekleta ng dalaga. Ayon sa nalaman niya ay hindi na nag-abala pa si Heather na ihatid-sundo ito o magdrive papasok. Mas gusto raw nito magbisekleta dahil gusto raw nito maappreciate ang ganda ng paligid.

Like his mother. Nature lover din ito. Hindi man mahilig sa pagtatanim ay gustong-gusto nito ng mapupunong paligid kaya ng ipagawa ng daddy niya ang bahay nila ay pinatili nito na hindi nagagalaw ang mga puno sa paligid ng bahay nila.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now