Kabanata 11

0 0 0
                                    

Bitbit ni Amias ang isang kahon ng lumabas ito ng kanyang kwarto. Pasipol-sipol pa ito hanggang sa makababa ito ng hagdanan. Kaagad napuna ng ina nito ang anak.

"Oh,Hijo. Ano yan dala-dala mo?"usisa ng ina kay Amias. Nasa salas ito habang may hawak na magasin. Araw ng sabado kung kaya wala ito trabaho ng araw iyun. Ilan kasi sa business nila ay ang ina ang tumitingin.

Tumigil si Amias sa paglalakad saka lumapit sa ina. Kipkip pa din ang kahon.

"Ipapamigay ko po sana sa mga workers natin,Ma.."

Napakunot ng noo ang kanyang ina sa sinabi niya.

"Ha? What's that?"anito saka tumayo at lumapit sa kanya ang ina at sinilip ang laman ng kahon.

"Mga branded perfume mo? Why?"pagtataka nito tanong at malalim na ang pagkakakunot ng nuo.

"Ah,Ma..masyado kasi marami at hindi ko naman ginagamit kaysa nakadisplay lang ipamigay ko na lang,"sagot niya.

"But those are your favorite perfume,right? Ikaw mismo ang namimili ng pabango mo,"saad ng ina.

Hindi niya alam kung paano niya lulusutan ang tanong ng ina. Ayaw muna niya may makaalam na may isang babae ang siya dahilan kung bakit kailangan na niyang idispatsa ang mga iyun.

"Uh,gusto ko lang bawasan,Ma,"sagot na lamang niya. Wala talaga siyang maisip na idahilan kaysa ibuking ang nagsisimula pa lang na pagkakaibigan nila ni Heather.

Tila naman bumenta iyun sa ina ng tumango ito.

"Sabagay. Sa dami mo nga pabango na binili. Bumili ka na lang kung maubusan ka,"anang ng ina na kinangiti niya.

Wala siya tinirang pabango. Yun ginamit niya nakaraan araw ay kaagad na ibinigay niya sa kaibigan.

"Sir?"

Sabay nila nilingon ng ina ang pagtawag ng driver ng kanyang ina.

"Mang Teban,"sambit niya sa pangalan ng driver saka lumapit rito.

"Kayo na po bahala kung kanino niyo po ibibigay,"sabi niya rito saka nito kinuha sa kanya ang kahon.

"Ah,sige,Sir. Ako na bahala rito. Maraming barkadang lalaki ang isa kong anak,"tugon nito.

"Sige po,salamat po.."

Nang makaalis ang driver ay muli niya hinarap ang ina. Nakatitig ito sa kanya ma tila ba may gusto itong sabihin sa kanya.

"Ma?"pukaw niya rito.

Bumuntong-hininga ang ina.

"Hindi ko alam pero parang may nabago sayo,anak.."

Natatawang umupo siya sa kinauupuan ng ina kanina. Kaagad naman tumabi sa kanya ang ina.

"Nabago? Ang alin,Ma?"nakangisi niyang lingon sa ina. Patagilid na umupo upang magkaharap sila ng ina. Mariin ito nakamata sa kanya.

"Hindi ko masasabi na baka may bago kang nobya kasi hindi ganun ang nakikita ko sayo,"saad ng ina.

Bilib talaga siya sa mga nanay. Malakas ang pakiramdam pagdating sa anak.

"So?"udyok sa ina.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng ina.

"May nagugustuhan ka ba?"

Nagulat pa rin siya na iyun ang tinanong ng ina.

Natatawang nginisihan niya ang ina.

"Paano niyo naman po nasabing may nagugustuhan ako?"

Bumuga ng hininga ang ina saka humalukipkip.

"Pakiramdam ko lang. Iba ang aura mo ngayon,anak,"tugon ng ina.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora