1: Come With Me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Parang.. awa.. mo.. na.."

Parang may kung ano tuloy na nagtulak sakin na yakapin sya kaya ginawa ko.

Siguro, naaawa lang ako sa kanya..

Niyakap rin naman nya ko pabalik at mas lalo syang napaiyak.

Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya at hinaplos yung buhok nya.

"Sshhh.. Tama na.. Wag ka ng umiyak.. Nandito na ko.."

Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha yung huling sinabi ko basta nasabi ko na lang.

Pakiramdam ko kasi parang yun din talaga ang dapat kong sabihin e.

***

"Saan mo ba sya nakita? Akala ko aalis ka na? Ano to? Gumawa ka muna ng kalokohan bago lumayas dito sa bansa?"

-___-

Kainaman tong si Sano. Mukha ba kong masamang tao? Sa gwapo kong to! Palagi na lang syang ganyan sakin e.

"Hindi no.. Nakita ko lang sya sa daan.."

Nandito kami ngayon sa hospital. Sa kwarto nya.

Sa kaiiyak nya kanina, nakatulog na rin sya kaya sinamantala ko na yun para madala sya dito sa hospital nina Sano. Isa sa mga kabarkada ko at isa rin sa mga training doctors dito, tagapagmana e.

"Serysoso?" Tinaasan pa nya ko ng kilay.

Grabe. Hindi ba ko kapani-paniwala?
-__-

"Bakit ba? Ano bang nangyari sa kanya at parang ako ang pinagbibintangan mo ha?" -_-||

Ipinalo naman nya sakin ang isang brown envelope bago sya humalukipkip.

Syempre. No choice. Di binuksan ko yung envelope at binasa yung laman.

Pero wow ha. Wala akong maintindihan.

Ano ba to?

Mukha namang nagets ni Sano na hindi ko naiintindihan yung mga nakasulat sa papel kaya inagaw na rin nya.

"Oy teka, walang bastusan! Binabasa ko pa!" Aagawin ko sana ulit yung envelope pero inilayo lang nya.

"Nakalimutan ko wala ka ngapalang utak kaya for sure di mo rin to maiintindihan."

Grabe. Ano namang tingin nya sakin? Porket nagdodoktor, minamaliit na ko?

Magrereklamo pa lang sana ko pero umimik na rin kagad sya ng "Shut up." bago humarap doon sa pasyente kaya napatingin na lang din ako doon.

"Ang ganda nya no?" Bigla kong nasabi kaya sinamaan ako ng tingin ni Sano.

"According dito sa mga labtest nya.. naoverdose sya sa drugs.. yung mga pasa at sugat naman sya sa katawan parang hinampas ng kung anong matigas na bagay o sinuntok.. at mukhang narape din sya.."

O___O

Ano daw?

Drugs? Binugbog? At.. rape?

Bigla namang napatingin sa wristwatch nya si Sano.

Ako? Nakatingin lang ako doon sa babae. Ewan ko, pero parang.. parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko yun.

"10am ang flight mo di ba? Abot ka pa. Ako ng bahala sa kanya. Tatawag na lang ako ng pulis at~

"Magpapa-rebook ako ng flight." Seryosong sabi ko habang nakatingin pa rin doon sa babae.

"What?"

Ewan ko. Pero parang hindi ko sya kayang iwan ng ganito.

"Aish! Bahala ka na nga."

Aalis na sana sya pero tinawag ko ulit sya sa pangalan nya.. "Nejiara.." tumingin ako sa kanya at halata kong nagulat sya. Hindi ko kasi sya tinatawag usually sa pangalan nya dahil ang hirap kayang bigkasin. Ne-ji-ya-ra! See? Nabubulol lang ako e. -__-

Kaya alam na nya yun. Pag tinawag ko sya sa first name nya, serysoso ako.

"Wag mo sana tong ipapaalam kahit kanino. Sa barkada at lalong-lalo na sa parents ko."

Ilang segundo rin nya kong tinitigan na para bang binabasa kung anong nasa isip ko bago sya napabuntong-hininga na lang.

"Hindi ko alam kung ano yang iniisip mo pero bahala ka." Tinapik na lang nya ko sa balikat bago sya umalis at nagpahabol na lang ako ng ngiti at thank you sa kanya.

Buti na lang kahit masungit si Sano, maaasahan naman.

Napahinga na lang din ako ng malalim bago lumapit doon sa babae at umupo sa may gilid ng kama nya. At sakto, nagmulat sya ng mga mata.

Ngumiti ako ng bahagya bago nagsalita. "Okay ka na ba?"

Marahan naman syang tumango at bahagyang ngumiti din. "Sala.. mat.."

"Ako si Eizen.. ikaw, anong pangalan mo?"

"Anna.. Anna Maria.."

Tinitigan ko lang sya at ganon rin sya sakin. Yung pakiramdam na parang matagal mo na syang kilala? Ayun yung nararamdaman ko ngayon e.

Iimik pa lang sana ulit ako nang may biglang nagtext kaya kinuha ko muna yung phone ko sa bulsa ng pants ko.

1 message received:
JELAN

Aba matinde!

Alam nyang ngayon ang flight ko pero nagtext pa din. E di ba kung natuloy man ako ngayon, di ko rin to mababasa. Tsk! Ay naku, isip Jelan! Maswerte ka lang at nandito pa ko kaya mababasa ko to.

× Kailangan kita ngayon Eizen. ×

Napakunot naman ako sa text nya.

Teka.. May nangyari ba sa kanya?

Rereply pa lang sana ko nang maramdaman kong may humawak bigla sa laylayan ng shirt ko kaya napatingin ako kay Anna.

"I.. inaantok.. ako.. paki.. usap.. wag.. mo kong.. iiwan.." halos pabulong pa yung pagkakasabi nya pero narinig ko rin naman.

Nginitian ko naman sya at hinawakan yung kamay nyang nakahawak sa shirt ko.

"Sige magpahinga ka lang.. hindi kita iiwan.. pangako.." marahang pinisil ko pa ang kamay nya bago sya tumango at pumikit ng muli.

Para talagang may kumikirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko syang natutulog. Napaka-peaceful nya kung titingnan sa kabila ng mga galos at pasa nya sa mukha at halos sa buong katawan.

Kung sino mang walang puso ang gumawa nito sa kanya, sana mas matinding karma ang bumalik sa kanya. Para tuloy gusto ko rin syang ipahanap para mapagbayaran nya ang kasalanang ginawa nya kay Anna.

Nagvibrate ulit yung phone na hawak ko.

Ay tsk! Eto pa ngapalang ungas na to. Ano na naman bang trip neto ngayon? Magkukunyari na lang akong nakaalis na. Hindi naman mag-iingay si Sano e.

× Sana nandito ka pa. Di ko na alam ang gagawin ko. ×

Muli, napakunot at napaisip ako sa tinext nya.

Ano bang problema nitong si Jelan?

Gusto ko na ring puntahan sya kaso..

Napatingin naman ako kay Anna.

Hindi ko sya kayang iwan...

Aish! Baka nantitrip lang to. Baka gustong humirit ng despedida part two at wala sya kahapon. Tsk! Batang yon talaga!

Ibinalik ko na muna ulit ang phone ko sa bulsa ng pants ko kaya nabitawan ko yung kamay ni Anna na nagising rin kaagad.

"Aalis.. ka ba?"

Nabigla naman ako sa tanong nya kaya hinawakan ko ulit yung kamay nya at ngumiti.

"A hindi.. di ba sabi ko naman sayo hindi kita iiwan?"

Ngumiti naman sya ng bahagya.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi maawa sa kanya. Halatang hinang-hina pa sya.

Parang.. di ko talaga sya kayang iwan..

"Anna.. magpapa-rebook ako ng flight papuntang US.. Do you want to.. come with me?"

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon