Kabanata 34

381 30 12
                                    

CURSE's POV

"Sabi sa kwento, may isang babae na gawa sa eksperimento." Ani Khalil.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Ang mga mata niya ay pinaghahaluan ng pikon at pang-aasar. Gigil rin siyang magsalita kaya nahihimigan ko talaga ang hasik niya. Kung kanina, ako ang nang-aasar at nakangisi, ngayon, siya na. Bahagyang salubong na ang kilay ko habang tahimik ng nakatingin sa kanya, nang-gigigil sa kung anong sunod pang sasabihin niya.

Tumaas ang kilay niya. "Kung sa totoo lang, napakamisteryoso talaga ng pamilya mo, hindi ba?" Aniya. Hindi pa rin ako sumasagot. "Walang kahit anong balita na lumalabas patungkol sa inyo sa publiko." Pakunway ngumuso siya. "Sa totoo lang, mayaman ang pamilya mo. Doctor ang nanay mo, Lawyer ang tatay mo, plus mga kapatid mo na businessman na sa larangan ng pagtatrabaho, diba? Wala halos patapon. At ang matindi pa roon, isang sikat na scientist ang Lolo mo."

Irita ko siyang nginisian at dumura ng dugo sa gilid. Kahit gusto kong patahimikin na ang bunganga niya, hindi ko magawa. Nagdadalawang-isip ako na baka kapag pinigilan ko siya, mas kung ano pa ang masabi niya.

"Dati, kilalang-kilala kayo e. Matunog pa ang mga La Rune, lalo na ang mga properties niyo sa iba't ibang parte ng mundo. May mga iilang impormasyon rin na nababalitaan ng mga tao patungkol sa inyo. Napakaayos ng lahat noon... bago mangyari ang isang aksidente."

"Manahimik ka—"

"Namatay ang panganay na anak ng mga La Rune." Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa inis. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Matapos mamatay ng ate mo, nawala lahat ng impormasyon patungkol sa pamilya niyo. Parang nagshut-down lahat. Kahit kapiranggot na detalye, wala. Namuhay kayo bigla ng tahimik."

"At ano ngayon 'yon sayo?!" Irita kong paniningit.

"Ano ang tinatago niyo sa publiko?! 'Yon ang madalas na tanong ng lahat! Bakit kayo nanahimik! Kahit detalye sa pagkamatay ng ate mo, walang nakakaalam! Hindi nailabas at nanatiling nakatago! Hindi nga alam kung murder ba 'yon o suicide!"

Sarkastiko akong natawa. "Ano naman sa inyo 'yon?! Tanga ka ba?! Ano kami?! Celebrity na inaabangan ng chismis ng publiko?!" Tuluyan akong tumayo at tinapatan siya. "Alam mo? Try mo nalang manahimik dahil mashado kang maraming satsat. Lahat naman ng sinasabi mo, pointless e." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ngayon kung nanahimik ang pamilya ko?!"

"Hindi niyo kasi alam na maraming humahanga sa pamilya niyo noon! Malamang, nag-aalala ang mga tao at gustong malaman ang nangyayari sa pamilya niyo!'

"Putángina, hindi kami artista!"

"Kahit na!" Gigil niya akong kinwelyuhan. Nanginginig ang mga palad niyang nakahawak sa akin. Bahagya pa akong nagitla dahil naluluha ang mata niya sa sobrang galit pero hindi ko pinakita sa kanya 'yon. Nanatiling salubong ang kilay ko at sarkastikong nakatingin sa kanya. "Nagtatrabaho ang tatay ko sa ilalim ng mga Montenegro dahil sa inyo. Isa ang pamilya ko sa humahanga noon sa inyo na kahit ako..." Lumunok siya. "... tiningala ka."

"Pwes, hindi ko hiningi sa inyo 'yon!"

"Oo dahil ganyan naman kayong mga mayayaman! Wala kayong pake sa mga nakakababa sa inyo! Hindi niyo kami mapansin! Lahat ng paghihirap namin, lahat ng paghihirap ng tatay ko, hindi niyo pinansin! Alam mo bang kayo ang rason kung bakit laging nagtatrabaho ang tatay ko?!" Tuluyang lumabas ang butil ng luha sa mata niya. "Kayo ang rason kung bakit siya nagpupursige magtrabaho! Na kahit may sakit na siya, nagkukumahog pa rin!" Mas lalong lumuha ang mga mata niya. "Basta malaman niyang La Rune ang kukuha ng yelo, sunod agad siya. Nagtatrabaho para sa inyo at para mapansin niyo!"

Escape to DeathOnde as histórias ganham vida. Descobre agora