Kabanata 11

421 31 0
                                    

CURSE's POV

"I'm sorry to disappoint you pero hindi ikaw ang masusunod ngayon, Curse."

Parang nag-pintig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong matawa dahil sa linya niya. What the hēll is he thinking? Ano ako, isa sa mga bata niya? The fūck is he. He's really getting into my nerves. Ano pa bang bago? Lahat naman yata ng lumalabas sa bunganga niya, nakakaasar lang at nakakatānga.

Tinaasan ko siya ng kilay."As if mapipigilan mo ako?"

Hindi siya agad nakasagot. Ang madilim niyang mata ay nananatili sa aking mapanuri. Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "You can't even move yourself away from me. Paano ka makakatakas sa akin?" Hindi ako nakasagot. Para akong natauhan at napahiya, slight. Nagpatuloy siya. "You're so fragile. You can't even do anything kapag nagugutom ka. How come you could handle yourself in that state?" Hindi ulit ako nakasagot. Umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya at mas lalo lang kumulo ang galit ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at sa ibang bagay nalang ipinukol ang masamang paningin. Maya-maya, ilang segundo siyang tahimik bago ako binitawan at tumayo paalis.

Naiwan ulit ako sa malawak na silid.

Napatingin ako sa mga kasama naming natutulog at gusto ko talagang matawa. Mas nadadagdagan ang irita ko dahil sa kanila. Paano nila nagagawang makatulog after what happened?  I can't believe it. Paano nila nagagawang makatulog after naming mabawasan? I smirked. Oo nga pala, ano pang aasahan ko? They are all selfish. Hindi naman nila kaano-ano si Zeor kaya malamang, wala silang pake rito. Wala silang nararamdaman. They are all unbothered as long as they're safe. Tss, nakakairita. They are all a bunch of useless and shameless bugs that flies around. Mga wala talagang ganap sa buhay namin.

"Eat."

Agad akong napalingon sa nagsalita, it's Radge.

Awtomatiko akong napalingon sa dala niyang mangkok dahil sa amoy nito. My body certainly can't resist food. Parang kaya ako nitong paamuhin dahil kailangan ito ng katawan ko. I can't control myself. Kapag may pagkain, awtomatiko ang katawan ko—sunod agad.

"I'll feed you." Seryosong sabi niya. His face is already in a blank state, parang hindi pwedeng biruin. Umupo ulit siya sa tabi ko at inalalayan akong umupo na naman. "Eat this para maging okay ka na." Hindi ako nakasagot. Hindi na ako umiiyak ngunit ramdam ko pa rin na nakaukit sa mukha ko ang kairitahan. But then, he eventually fed me, awtomatiko naman akong sumubo sa pinapakain niya. Naging tahimik ang pagitan namin. Nanatili siyang seryosong nakatingin sa mismong mga mata ko at ganoon rin ako, ngunit mas matalim. Napabuntong-hininga siya. "Dāmn, your eyes." Aniya.

"Tss..." Nilunok ko ang pagkain. "Sabihin mo na ang nangyari." Sinubuan naman niya ulit ako.

Nagsalita siya. "Let's just talk later. Kumain ka muna..."

"Pwede naman kumain mamaya."

Bumuntong-hininga siya at pagod akong tinignan. "You can't even decline my hand. Just eat." Hindi ako nakasagot dahil totoo naman. To be honest, yung utak ko, gustong tabigin ang pagkain na inaabot niya sa akin pero hindi ko magawa dahil mas nananaig ang kagustuhan ng katawan ko. It's involuntary. I can't control it. "Darling, your looks can kill." Sabi niya pa.

"Nakakairita ka." Sabi ko.

Tumango lang siya at sinubuan ako. "Alright. I understand that."

"I won't rely on you." Sabi ko pa.

Bumuntong-hininga siya. "You will."

"No."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now