Kabanata 4

321 20 1
                                    

CURSE's POV

"What happened?"

"Is he really dead?"

"Ano ba 'tong nangyayari!?"

Sa pagsapit ng umaga, nagulat kami dahil sa nasaksihan. Lahat ay punong-puno ng pagtataka at pangamba dahil sa nakita. Ni-isa sa amin, hindi inaasahan ang ganitong pangyayari in the middle of zombie outbreak. This situation is too much for us to handle but we cannot do anything. Lahat ay nagulantang at inakyatan ng pangamba because of this.

Professor Vince is dead.

Nung magising ako, mula dito sa silid namin, nakita namin siyang nahiga sa sahig habang pinapalibutan nila Leya, Hany, Rayzen at yung babaeng nagsuggest na paghiwalayin muna kami. Sila yung narinig kong maingay na parang nagtatalo sa kung ano kaya ako nagising. Nevertheless, as I've seen Professor Vince lying on the ground, nakuha ko na ang nangyayari. He's dead. Baluktot na pahiga ang kanyang posisyon. Nakaluhod siya sa sahig habang ang dalawang kamay niya ay nasa leeg. Difficult position, right? 

Sa posisyon niya palang, nakakalito na. Para itong naging pala-isipan sa akin. Nung una, hindi ko pa maunawaan kung natural deāth ba, o sûicide, or mūrder ang kanyang kinasasangkutan but as the time goes by, I learned something.

I sighed.

Sa kasalukuyan, dahil naprove at nakita naman ng mga kaklase ni Gray na normal kami at hindi kami nagtransform sa kung anong zombie, pinayagan na nila kaming lumabas ng room. And as we go outside, we all gather in the room kung saan nandoon ang walang buhay na katawan ni Professor Vince. Agad na umingay ang silid namin nung magsimula silang magtanong-tanong sa nangyari kay Prof. Nawala na ang issue patungkol sa amin at mas nagfocus ang lahat sa pagkamatay ni Professor Vince. Everyone suddenly falls under the chaos too. May mga ibang nagsisisihan at may iba namang nagko-komento na ng hindi maganda.

"Wala bang nakakita sa inyo ng nangyari?"

"Wala. Ang unang nagising ay si Hany. Tumili siya kaya nagising na rin kami at nakita namin si Sir na nasa ganyang ayos na."

"Ano bang nangyari?! Bakit dito pa nagpakamatay si Sir?!"

"Mukha ba siyang nagpakamatay?! Baka may pumatay!"

"Baka inatake siya ng hika niya? May hika ba 'yan si Sir at ganyan ang ayos niya? Natural death 'yan!"

Everyone is having their own perspective because of the crime. Hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin dahil nananatili lang ang mata ko sa katawan ni Sir na nasa lapag. Hindi ko na nga rin alam kung sino-sino na ang mga nagsasalita dahil sabay-sabay na silang nag-a-argue diyan.

Bumuntong-hininga ako.

Gray and I, investigate the body of Professor Vince. Actually, kasama si Radge— nakikisali. And, if I'm not mistaken, pareho kaming kinuha ng kurso ni Gray at ang kurso na 'to ay may kinalaman sa pag-aaral sa katawan ng tao. So, it means, kaming dalawa ang may knowledge sa ganitong pag-oobserba sa isang katawan. Yet, of course, we're not that professional at all. We are still merely students and still learning. But since, kami lang ang nandito at hindi naman kami makahagilap ng tulong dahil nga sa zombie outbreak, kami lang ang pupwedeng mag-imbestiga. On the other hand, si Radge naman, kung hindi ako nakakamali, Engineer ang kurso nito.

Napairap ako.

Ano pa't nakikisali siya? Papansin talaga.

Kaming tatlo ay nakaupo malapit sa katawan ni Sir habang ito'y ino-obserbahan. Chineck rin namin kung matagal ng walang buhay si Prof pero matapos non, hindi na namin siya hinawakan pa. Overall, as we observed the crime scene, matagal-tagal ng walang buhay si Sir. Kapansin-pansin rin ang kaunting vomit sa sahig at pansin rin namin ang kape sa lamesa na mukhang malamig na. And also, ang spoon rin ay nasa sahig at ang silya ay nakatumba na. That's for external sign observation.

Escape to DeathWhere stories live. Discover now