Kabanata 6

332 20 1
                                    

CURSE's POV

Parang dinaanan ng kung ano ang buong room dahil sa tahimik. They are all staring at me na parang nagtataka. And guess what? Ang pinakamagandang expression sa kanilang lahat ay si Leya. Namumutla na siya. Kitang-kita sa mata niya na para bang may kung sinong sumapul sa kanya. She can't even breathe properly while staring at me.

"W-What?" Parang hangin na tanong niya. Hindi siya makapaniwala dahil sa sinabi ko. Sa mukha niya palang, makikita nang parang gumuho na ang mundo niya.

"You're the killer." I've said casually. Napalunok siya at umiling-iling, parang hindi kayang tanggapin ang sinabi ko.

"Wha—How, Curse?" Takang tanong ni Zeor.

Napatingin ako sa kanila at halos lahat sila ay takang nakatingin talaga sa akin. Parang hindi pa nila napapansin ang nangyari o kahit manlang yung linya ni Leya. Sa kabilang banda, may napansin ako. Si Radge lang ang naiiba ang ekspresyon sa kanila. Nakatingin ito sa akin habang may maliit na linya sa kanyang labi, tanda na nangingiti siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil mukha siyang tanga sa tabi ko.

"H-Hindi ako! Wala kang ebidensya!" Tarantang sabi bigla ni Leya.

Bahagya akong ngumiwi sa kanya. "Lumabas na sa mismong bibig mo yung evidence. What are you saying?"

Bigla siyang natigilan at napalunok. Umawang ang bibig niya bago nagtry ulit magsalita para dumepensa. "H-Hindi. Hindi ako!"

Ngumisi ako at tinitigan siya ng mariin. Nakakaawa siya, actually. But, I don't have any choice. She's a sinner. This is her chosen path and everyone needs to know it. She needs to face it regardless of her pathetic look. I sighed bago nagsalita. "Walang nakakaalam na namatay si Professor Vince dahil sa lason..." Mas lalo siyang namutla dahil sa linya ko."...pero ikaw? Bakit alam mo?"

Everyone gasped. Napatakip ng bibig si Hany at Sorin. The rest, nanlaki ang mata na parang naliwanagan. Every one of them didn't expect the confession I've said. Malamang, sino ang makakaalam e, wala naman akong sinasabi sa kanila? Even Gray doesn't probably know that. Kahit sino sa kanila, walang nakakaalam na namatay si Sir dahil sa lason. Ako lang. At shempre, yung killer, which is Leya.

"No!" Biglang sigaw pa ni Leya. Bahagya siyang napaatras sa amin. "S-Sinabi niyo 'yan kanina, diba? Sabi niyo, namatay si Sir dahil nilason? Right?" Ngumiti pa siya at pinasadahan kami ng tingin para humingi ng simpatya.

"Leya..." Mahinahong tawag ni Gray, umiiling. "Wala siyang sinabi. Kahit nga ako na nag-imbestiga, hindi alam e." Bumuntong-hininga si Gray at tinignan ng nakakaawa si Leya. "Walang nakakaalam sa amin. Ang alam ko nga, sinakal lang 'yan si Sir."

"He's right." Gatong ni Port sa isang seryosong tono. "Wala ni-isa sa amin ang nakakaalam dahil wala namang sinasabi si Gray even our Vice President, Curse. So, ikaw Leya, paano mo nalaman?"

Hindi siya nakasagot.

Emotion starts to draw on her face. Unti-unti ng namumula ang ibaba ng mata niya para pigilan ang pag-iyak. Nananatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin, hindi manlang siya lumilingon sa iba. Umaapoy sa kasuklaman ang mata niya sa akin pero nahahaluan ito ng matinding emosyon ng pag-iyak. Nakakuyumos rin ang kanyang dalawang palad, tanda na galit na galit siya.

I sighed while staring at her, expressionless.

"Curse, how?" Quill asked. Parang hangin ang boses nito. Halata sa kanyang hindi niya inaasahan ang confession ko.

Everyone remained silent and calm. Sumisigaw sa sistema nila ang pagkagulat at pagkahanga sa nangyari pero mukhang hindi nila ito mailabas kaya nananatili silang tikom. Pare-pareho silang nakatingin sa akin, nagpapakiramdaman. Hinihintay nila ang mga lalabas sa bibig ko para mas maliwanagan pa sila.

Escape to DeathWhere stories live. Discover now