Kabanata 9

443 27 6
                                    

 ✎

CURSE's POV

Tensions.

Pondering.

Confusion.

Ayan ang lahat na nakikita kong nararamdaman ng aking mga kasama mula nung makita namin ang kalunos-lunos na laman ng maliit na silid. Kanina, naririnig ko ang turuan nila kung sino ang gumawa pero nung tumayo na ako at lumapit sa bungad ng pintuan ng crime scene, tumahimik na sila. They suddenly heated up na para bang bigla akong magtuturo kung sino ang may sala.

I roamed my eyes on their bodies.

Ella, yung babaeng nagtawag sa dalawa kagabi, is naka-upo sa upuan ng study table habang nakasubsob ang mukha sa desk. May saksak na ballpen sa dibdib niya, heart specifically, which is the only reason why she's dead. Sunod ay si Debby and May. Nakahiga silang dalawa sa lapag. Nakahilata sila, yung tipong akala mo, natutulog lang. Pero, kung lalapitan mo, mapapansin mo na ang butas sa puso nilang dalawa na sanhi ng kanilang pagkamatay. At isa pa, nalaman ko agad na lifeless na sila since nagmarka na ang mga dugo nila sa kanilang mga damit.

Sa room naman nila, walang kakaiba. Walang nagalaw, walang bago. Kung ano yung napansin ko kagabi, ganoon pa rin ang mga ayos ng gamit.

I sighed at nakahalukipkip na hinarap sila.

"Sino ang unang nakakita?" Paunang tanong ko.

Si Zeor ang sumagot. "Lahat kami. Pinuwersa kasi naming buksan."

Tumaas ang kilay ko. "Bakit niyo pinuwersa?"

"Look." Tinuro ni Zeor ang lapag kung saan may maliit na linya ng dugo na umabot dito sa mismong ilalim lang ng pintuan ng kwarto. Ang dugong 'yon ay galing kay Ella na nakaupo sa silya ng study table. Naka-lean infront siya kaya iyon ang rason kung bakit nakalabas ang dugo sa katawan niya. Hindi rin naman sobrang rami ng dugo kaya isang linya lang ito at manipis pa. Nagpatuloy si Zeor. "Nakita namin 'yan dito sa labas kaya nagtawag kami sa loob kung anong nangyari pero walang sumagot. Ilang beses kaming tumawag sa kanila hanggang sa napagdesisyunan na naming puwersahin ang pintuan."

Nanatili ang atensyon ko sa maliit na linya ng dugo at napaisip. Ilang segundo akong ganon bago ako tumango kay Zeor at nagsalita. "May pumasok na ba sa loob?"

Umiling si Port. "None, Vice President. Ayaw naming gumawa ng aksyon lalo na't tatlo ang namatay. Mabigat-bigat 'tong krimen at siguradong ni-isa sa amin ay ayaw na mapagbintangan."

Tumango ako sa sinabi niya. "Sino ang naunang nagising?"

"Me." Napalingon ako kay Quill nung agad itong sumagot. "Saktong kakagising ko lang nung nagising rin si Port, sunod si Gray, Zeor, Radge at halos sabay lang sina Sorin, Hany at Rayzen."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Kung ganoon, bakit ako nakakarinig ng ingay? Sino ang nagtuturuan kanina?"

Ngumuso si Port habang umiwas naman ng tingin si Gray. Si Quill ay umirap, si Zeor naman napabuntong-hininga. Samu't saring mga reaksyon ang nakita ko sa kanila na parang walang sinong may balak na sumagot sa akin.

Mabuti nalang may naglakas-loob. Sumagot si Radge na nasa tabi ko. "Ang sentro ng sisihan ay si Quill at Hany. Gumagatong kasi 'tong sila Port at Gray kaya lumalala ang away."

Mas naging visible ang pagtataka sa mukha ko. "Bakit niyo naman sinisi si Quill and Hany?"

Si Port ang sumagot, nakanguso pa. "Si Hany kasi may motibo sa pagpatay. Diba, sabi niya? Badtrip siya sa tatlong 'yan dahil nga inaakusahan niya ng malandi."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now