Kabanata 14

411 27 1
                                    

CURSE's POV

"Lubayan niyo ako hahaha!"

"No— Wait!"

"Curse!"

Tinakbo namin ang hallway sa dormitory ng boys. Patuloy na tumatakbo ang lalaking nasa harapan, habang ako naman, nakasunod. Parang awtomatiko na ang aking binti na hindi magkandamayaw sa pagtakbo. Except sa zombie na nasa likuran namin, may reason talaga ako upang kusang tumakbo ang aking mga paa para maabutan ang lalaking sinusundan ko.

Isa lang ang masasabi ko.

He's not Zeor!

Pero, even though it's not him, I still wanted to talk to him because he might have information about where my cousin is. There's a chance na alam niya. May idea siya for sure, if talagang una palang, nandito na siya sa dormitory building.

"Hey!" Sigaw ko ulit at aabutin na sana ang buhok niya pero agad siyang tumakbo sa hagdan papunta sa itaas kaya lumayo na naman ang distansya namin. "Dāmn it!" Mura ko at sinundan siya paakyat.

"Curse!" Tawag rin sa akin ni Rory na nasa likuran ko at humahabol sa amin. "Wait!"

Hindi ko siya pinansin at binulyawan ulit ang lalaki. "Hoy, sandali!" Sabi ko pero wala talaga. Umakyat siya ulit ng palapag kaya sumunod kami pataas hanggang sa makarating kami sa fifth floor ng building.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nung makitang may zombie don. Swerte pa namin dahil nag-iisa lang siya. Yun nga lang, nakaharang ito sa daan. Kaya ang ginawa nung lalaki, tinulak niya ito ng buong pwersa kaya bumagsak ang zombie sa lapag. I really wanted to catch up with that boy kaya no choice ako. Wala akong ibang choice kundi sumunod sa kanya at dun rin sa gitna ng hallway dumaan. Kaya lang, napatili ako nung bumagsak ako bigla sa sahig. At paglingon ko sa aking binti, hawak-hawak na ito ng zombie at akmang isusubo ang paa ko. My eyes widened kaya agad ko itong tinadyakan ngunit makapit pa rin ito.

"Son of a bìtch!" Biglang pinatungan ito ni Rory at pinaikot sa bibig ang isang tela na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Matapos niyang mabilisan na tinalian ang bibig ng halimaw. Agad niya akong tinulungang tumayo at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

"Hoy, kayong dalawa! Dito bilis!" Sigaw ng lalaki na kanina pa namin sinusundan. Kasalukuyan siyang nasa dulong pintuan at hinihintay kaming pumunta doon. Nung mapang-abot kami, tuluyan kaming pumasok sa loob at mabilisang isinarado ito.

"Ha!" Sabay-sabay naming singhal na animo'y nakahinga ng maluwag. Nakadapa kami sa sahig at pare-parehong naghahabol ng hininga. Mabibigat ang aming paghinga at kapwa pinapakalma ang sarili matapos ang habulan.

"Ang saya hahaha!" Humalakhak ang lalaking hinabol namin at humilata sa sahig. "Isa pa kaya?" Sabi pa nito at tumawa ulit. Napabusangot naman ako at inis siyang hinampas ngunit agad ko ring binawi ang aking kamay dahil ramdam kong may natamaan ang aking palad sa bulsa ng pants niya. Napangiwi ako because of that, yet tinawanan niya lang ako. Mukhang hindi naman niya napansin.

"Ano bang trip mo?!" I hissed.

Humalakhak siya. "Relax lang, Vice President." Ngumisi siya at inilahad ang palad sa akin. "Waco." Biglang pakilala niya.

Nginiwian ko siya.

"Oh no, Waco!"

"Waco!"

"Ayos lang kayo?!"

Biglang may lumapit sa amin na tatlong babae. Bahagya pa akong natigilan at napaatras dahil hindi ko inaasahang makita ang kanilang suot. They're just wearing pairs of underwear. Yes, yung tipong panty at bra lang. I didn't expect it. Napatayo talaga ako at napaatras dahil sa nakita.

Escape to DeathWhere stories live. Discover now