Kabanata 12

542 41 39
                                    

CURSE's POV

My system filled with so much frustration.

Nakatali ang katawan ko gamit ang bedsheet ng higaan at nakatali ito sa sandalan ng kama. Mahigpit ang pagkakatali nito ngunit nakakahinga pa naman ako ng maayos. Kaya lang, wala talaga akong takas. Gusto kong murahin kung sino man ang gumawa nito at talaga namang may idea na ako kung sino. Mukha akong kawawa at tānga sa kalagayan ko na 'to. Mas malala pa ako sa zombie at mga eni-exorcist dahil sa pagkakatali na 'to!

Gusto kong magwala!

Kahihiyan 'to. Sobrang malalang kahihiyan. Hindi ko kailanman naisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. This is unbelievable! I'm boiling with rage right now! I'm definitely mad! Hindi ito tama at hindi ito kailanman nababagay sa akin!

I roamed my eyes in the room, angrily.

Madilim ang silid dahil walang ilaw pero nakikita ko pa naman ang mga kasama ko roon. Meron naman kasing alternative lamp, mukhang de-chargeable. Nakita ko si Quill na nasa kabilang kama na malapit lang sa akin. Nandoon rin si Sorin and Hany. They are all wide-awake. I roamed my eyes again at hinanap ang iba pero wala akong nakita- all girls lang kami rito.

"Where are they?" Tanong ko kay Quill at nagreklamo. "Si Radge ba ang nagtali sa akin dito? He's a piece of shìt! Pakawalan niyo nga ako!"

Tinitigan niya ako saglit bago umirap. "They go outside. Naghahanap ng ibang bakanteng pintuan para makahanap ng mga bagay na magagamit natin." Bumuntong-hininga siya. "And, I'm sorry to say this pero sinabihan ako ni Radge na huwag kang pakawalan hangga't hindi sila nakakabalik."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "This is dangerous. Hindi niyo ba alam 'yon? Paano nalang kung may makapasok na zombie, dito? I'm in a worst situation if that happens!"

Tumaas ang kilay ni Quill. "It's not my problem."

Parang pumiltik ang inis na dumadaloy sa dugo ko. Nginisian ko siya at bahagya pang natawa. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Hindi niya ako sinagot at inirapan lang ako kaya mas nairita ako. I really hate that. Ayaw na ayaw ko ang ganitong niyayabangan at iniinsulto ako e. Si Quill, aaminin ko, she's fine to be with. Okay naman siya, overall. Pero, ramdam ko ang irita nito sa akin lagi at aaminin kong para siyang nawawala sa ayos kapag si Radge na ang nasa harapan niya. She's stūpid and corny. Inirapan ko siya at bumuntong-hininga. "Ano pa nga bang aasahan ko sa taong sunod-sunuran kay Radge? Puppet." Parinig ko.

Tuluyang nagsalubong ang kilay ni Quill. "Sunod-sunuran? Ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong ganyan, Curse."

"O, bakit? Hindi ba 'yon totoo? Sunod-sunuran ka naman talaga."

Sinamaan niya ako ng tingin. "You know, what?" Paunang salita niya, halatang nagagalit na. "You really getting into my nerves. You're really unbelievable. Alam mo, una palang, I really don't like you. Behavior palang, basura na. You're also a miserable shrew too. Panira ka. Palagi kang harang sa mga gusto ko. Palagi kang nakiki-epal."

I groaned, tinatamad. "What's this? An argument? Confession ng buhay mo towards sa akin? Tss, this is senseless. Tigilan mo ako."

"You're the one who started this!" Bulyaw niya sa akin. Tumayo na siya sa higaan habang nakaharap sa akin, halata ng inis na inis siya. "Punong-puno na ako sayo! Punong-puno na ako noon pa man! Palagi nalang ikaw!"

"Oo na, lagi nalang ako." Tumawa ako. "I'm certainly aware, Quill. Noon pa man din, naiirita ka na dahil imbis na Presidente ang pakinggan ng mga estudyante, sa akin pa rin sila bumabase." Sabi ko. "Kahit sa room, inis na inis ka na sa akin. Akala mo hindi ako aware?" Tumawa ako. "Inis na inis ka dahil ako ang numero-unong nangunguna sa linya ng mga subjects natin. That's very frustrating, siguro no? Na kahit anong gawin mo, hindi mo ako matalo-talo."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now