Tss...

Wala akong nakita kaya dumiretsyo ako sa tahimik na hallway papunta sa room kung saan naganap ang engkwentro. Wala namang bantay pero may taling harang na animo'y pinagbabawalan kaming pumasok. Hindi ako natinag. Dire-diretsyo ang lakad ko ngunit nanatili paring maingat para hindi makagawa ng ingay, pero bago pa man ako makapasok sa mismong kwarto, napaatras ako nung matanaw ko ang lalaking nakatalikod sa loob. May kausap ito sa telepono kaya agad akong napaatras at pumasok sa katabing kwarto na nakaawang ang pintuan.

"What? Nasaan na naman ba 'yon? Paakyatin mo na rito para matulungan akong alisin ang mga katawan. Ayokong maalarma at mabahala pa ang mga bisita..." Sabi ng pamilyar na boses, nung silipin ko, nakita ko si Khalil na naglalakad paalis na sa area. "Bilisan niyo! Kanina pa ako nagbabantay dito!" Iritadong sabi pa nito sa telepono bago tuluyang nakaalis sa hallway.

I gulped.

Chineck ko pa muna ulit ang pasilyo bago ako lumabas ng kwarto at nagmamadaling pumasok sa silid na pinapakay ko. Nung makapasok, agad akong napangiwi dahil sa amoy, masangsang at malansa. Hindi ko agad gusto. Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko. Tahimik rin akong napasinghal at napamura. Dim ang ilaw sa labas pero pagdating dito sa kwarto, madilim. Walang ilaw dahil basag ang bumbilya pero magkakaroon ka pa rin ng vision dahil sa tulong ng kaunting liwanag na nang-gagaling sa labas.

Natikom ako.

Pag-angat ko ng aking paningin, unang bumungad sa akin ang naka-bigting lalaki na nasa harapan. Kung bubuksan mo kasi ang pintuan, siya talaga ang una mong mapapansin dahil nakaharang siya. Ang nakakapagtaka pa, sa ilalim niya, sa tapat ng nakalambitin niyang katawan, may malaking square na hindi ko matukoy kung planggana ba or what. May tubig kasi dito, hindi ko alam kung para saan.

"The heck is this?" Wala sa wisyong bulong ko habang sinisiyasat ang planggana. Inangat ko ulit ang tingin sa lalaki at sinuri ang mukha niya. Napalunok pa ako nung biglang may nag-pop sa isip ko. Napakurap-kurap ako at napa-isip lalo. Matapos ang ilang segundo, napamura ako nung may maasinta sa isipan. My heart pumps nervously because of what I have in mind.

I swallowed heavily.

Pinanatili kong kalmado ang aking sarili kahit unti-unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pangamba, alarma at nerbyos. Habang tumatagal ang tingin ko sa lalaki, mas lalong nagkakaroon ng ideya ang utak ko. Ilang segundo lang rin naman at natigil ako sa paninitig. Inilapit ko ang likuran ng aking palad at idinikit sa paa ng lalaki para tiyantahin kung ilang oras na siyang wala. Matapos ang pagkakalkula ko, mas natikom ako at nilagpasan siya.

Sinunod ko ang babeng nasa higaan na matatanaw mo rin mula sa labas, nakahilata ito sa kama at dilat ang mata. Mula sa likod, kitang-kita ko ang malalim na butas patagos sa mismong puso nito. Para siyang sinibat mula sa likod. Ang bedsheet rin ng kama ay napaliguan na niya ng kanyang dugo. Tuyo na ang bedsheet, at ultimo ang kanyang bangkay ay napaka-lamig na. Pinagmasdan ko lang rin saglit ang mukha nito at masasabi kong pareho silang dalawa ng lalaki na mukhang may mga edad na, para silang kasingtanda ng Mama at Papa ko. Isa pa, masasabi ko ring mula sa kanilang suot at uri ng katawan, may isinisigaw ang kanilang pamilya, wealthy.

Hindi ako doon natapos sa pagsusuri.

Mas may naamoy akong masangsang na amoy. Sobrang lansa at talagang nakakasuka. Hindi 'yon nangagaling sa lalaking nakabigti at babaeng nakahilata, kundi nanggagaling 'yon sa isang... closet.

Napalunok ako.

Ang katahimikan, kalamigan at kadiliman sa buong kwarto ay nagbibigay sa akin pangamba. The nervousness is already filling my body and the chills are sending shivers down my spine. Habang papalapit ng papalapit ako sa closet, mas nanlalamig ang paa ko at parang tumataas ang mga balahibo sa batok ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ng aking palad at talagang palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.

Escape to DeathWhere stories live. Discover now