Chapter 1

38.7K 483 53
                                    



My dad had already given up on me and my attitude.

He obviously doesn't want me around. Gusto na niya ata akong makulong pero dahil mahal niya ang kanyang pangalan, hindi niya magawa. It's been three months since the school year started at nakakatatlong school na agad ako. At itong next ang pang-apat. The worst. Ateneo De La Salle High. Before, boys' school siya at 4 years ago lang nagkaroon ng girl students. Dahil nga boy school, medyo katakot-takot na reputation ang meron ito. Sa rankings when it comes to academics, mataas naman ito pero sa violence ata, nangunguna ito. I heard hindi lang mga lalaki ang mga magugulo, even the girls. Para kasing tapunan ito ng mga teenagers na walang balak magtino kagaya ko. Yung mga sumuko na ang magulang sa pagpapatino.

Just like any other teenagers, I grew up not seeing my parents all the time. I grew up with toys around. I grew up eating with my stuffed animals. Kahit may kapatid ako parang wala din kasi hindi naman kami close. We're both a pain in dad's ass pero mas malala nga lang ako. Having no one to raise me 'properly', I became a girl who hates every person I see. Bilang lang sa aking kanang kamay ang mga naging kaibigan ko. At dahil na rin sa mga kalokohan ko, pinalayas ako sa school na yun. Now, I have to face another shitty school again. I want to get away here as soon as I can pero nang malaman kong I'll be staying in a dorm inside the campus, I changed my mind. Oh come on, my freedom ako sa school! I got no dad to watch every move I make. That's fun, right?

I was riding at the passenger seat of my dad's trailblazer. No one's talking. He was just silently driving our way to Ateneo De La Salle High. Medyo sa isolated area ito ng Manila. More like a province, tingin ko hindi na Manila ito dahil sobrang mapuno na ang paligid at road lang talaga ang nakikita ko.

Habang palapit na kami ng palapit, natatanaw ko na ang badass school na kilalang-kilala sa dati kong school. Matataas na pader at ang malaking sign ng Ateneo De La Salle High ang tanging makikita dito. Labas pa lang, nakakatakot na. No one will dare to climb those walls naman siguro dahil sobrang taas talaga nito. Hindi siya yung normal na wall lang dahil kahit gaano ka-taas ito, may mga barbed wire pa ring nakapalibot sa taas. As I had just said, no one will dare to climb those walls. Wala talagang takas. Talagang dorm at school lang ang buhay namin dito.

Nang palapit kami ay nakasara parin ang napakalaking itim na gate nito. Dad stopped at may isang camerang gumalaw para i-check ang sasakyan namin. The speaker boomed and we heard a voice spoke.

"Sir, what can we do for you and the lady beside you?" Isang malalim na boses ang nagsalita.

"I'm Mike Lazaro and this lady beside me is my daughter, Dennise Lazaro. She's the new student." Sabi ng tatay ko sa parang speaker-like na nasa gilid niya. I think the security took notice dahil bumukas na ang napakalaking gate. To my surprise, may tunnel pa before the field dahil maliit na sinag ng ilaw pa lang ang nakikita namin. Pagkapasok ng sasakyan ay agad na umilaw ng sunod-sunod ang mga bumbilyang nakakabit sa magkabilang gilid ng tunnel. Agad naman sumara ang automatic na gate.

Nang tuluyang makalabas ang trailblazer mula sa tunnel, nakita ka ng tuluyan ang field. The grass was unusual green. As in super green na para na siyang edited. Matingkad ito sa ilalim ng araw kahit hindi pa naman ganoon kasinag ito. Tama nga ang sabi nila, masyadong malaki ang Ateneo High para sa isang secondary school. Dad parked near our dorm. At least, yun ang nakalagay. Itong dorm ay medyo nasa pinakagilid. Sa ganda nito, parang school building lang din siya.

Nauna na akong lumabas kay dad. I looked around. Right now, wala na akong balak umalis dito sahil mukhang magugustuhan ko naman ang lugar. Kahit hindi ko na magustuhan ang mga tao. Sanay na rin naman akong mag-isa.

Lumabas si dad at sinara niya ang nang malakas ang pinto kaya napatingin ako sa kanya.

"Mess up again at di na ako magdadalawang-isip na dalhin ka sa America without any allowance." He said. He knows I hate working kaya ito ang panakot niya sa akin. Dalhin alam kong kaya niyang gawin, takot ako. I just nodded at pumunta sa may trunk ng sasakyan. I got my luggage and my back pack.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now