58장-'Dark god had defeat'

4 0 0
                                    

LEA P. O. V.


          

One week later....

Umuwi na ng Pilipinas ang nanay ni Jaya kaya hinatid namin ni Maridell sa Bulacan ang bata para makasama ng ina. One month lang naman ang bakasyon ng nanay ni Jaya sa Pilipinas, at pagkatapos no'n ay balik kunsyumisyon nanaman ako sa batang iyon.

Nagpaiwan din sa Bulacan si Maridelle para bisitahin ang magulang niya. Kaya mag-isa akong bumalik sa Sansidlan.

"Hello. Oo, pabalik na ako... huh? O sige-sige, dadaan ako. Sige na, bye," pinatay ko na agad ang tawag at baka madagdagan pa ang request ng baklang Mario. Nagpapabili ba naman ng Buko pie. Mabuti nalang ay may mabibilhan na sa terminal ng Sansidlan na mga pasalubong, at isa na nga ang buko pie.


Medyo mahaba pa ang biyahe dahil malayo-layo pa ako. Matutulog sana ako bigla namang may sumigaw.

"Holdap 'to!" bigla nalang naglabas ng baril ang tatlong lalaki at tinutukan ang mga pasahero.

Nataranta at nagmamakaawa naman ang mga pasahero. Sapilitan silang kinukuhanan ng mga mamahaling gamit ng mga tatlong holdaper.

"Hoy ikaw, akina 'yang cellphone mo!" tinutukan ako ng baril no'ng isa.

Balewalang ngumisi lang naman ako. Tingin niya kaya masisindak niya ako sa baril niya. Hindi niya alam na mas masahol pa sa baril ang mga armas na hinarap ko one week ago, pero heto ako buhay na buhay parin. Pinagtibay pa ng mga pinagdaanan sa buhay.

"Hoy ka rin, manong! Bakit ko naman ibibigay sa iyo 'tong cellphone ko? Nag-ambag ka ba para mabili ko 'to? Kapal muks lang!" pabalang kong sabi, wala akong nararamdamang takot at hindi ako nagpapancic. Chill-chill lang.

"Aba, maangas ka, huh! Gusto mo bang pasabugin ko 'yang utak mo?" gigil nitong sabi at tinutok sa ulo ko ang baril.

Nagpantig ang tenga ko, at dinakma ang baril na hawak nito. Nang maagaw ko ang baril ay pinukpok ko sa ulo ng lalaki at sinundan pa ng malakas na sipa sa tiyan nito. Lumapit din sa akin ang dalawa nitong kasamahan na agad ko namang ginulpi.

"Oh, kayo diyan, manonood lang ba kayo? Ayaw niyo bang kuyugin 'tong tatlong ito para makaganti kayo sa pananakot nila," nakangising sabi ko sa mga pasahero. Nagkaroon naman sila ng lakas ng loob para tumayo at kinuyog nila ang tatlong holdaper.

Natatawa nalang ako, at no'ng tingnan ko 'yong driver ng bus na sinasakyan namin ay ngumiti at nag-thumbs up siya sa akin.

Bugbog sarado ang mga holdaper nang arestuhin ng mga pulis. Ang insidenteng iyon ay mabilis na kumalat online dahil may isang pasahero ang kumuha ng video.

Mga pasahero ng isang bus kinuyog ang tatlong holdaper.

Pati mga balita sa televisyon at diyaryo ay naging laman ang insidenteng iyon. Mabuti nalang na walang nakakilala sa akin, kaya payapa parin ang mundo ko at hindi ako nahanap ng mga paparazi para interview-hin.



Lumipas pa ang mga araw, mainit parin online ang tungkol sa mga holdaper na kinuyog. Binalewala ko nalang iyon dahil hindi naman ako mahahanap ng mga paparazi.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon