29장-"𝐌𝐚𝐠𝐢𝐜 𝐬𝐭𝐢𝐜𝐤𝐬"

39 0 0
                                    

𝐌𝐀𝐑𝐋𝐄𝐘 𝐏. 𝐎. 𝐕.
                                          


"Good morning, mamang," natatawang bati ni Austin.

Natuwa naman ako at ready na ang almusal paggising ko. Pagkaupo ko sa harap ng kahoy na mesa ay napansin kong naka-porma ang baklang Austin. Mukhang bagong bili lang ang suot na kulay blue dress na tenirnuhan niya ng blue headband at blue huge earings.

"Anong merun at ang aga mo nagising?" tanong ko habag naglalagay ng sinangag na kanin sa plato ko.

"Aalis kasi ako. May costumer ako ngayon, bigtime 'yon. May-ari ng malaking company sa China,"

Napatingin ako sa kaniya. "Ay nakakalerks. Akala ko ba nandito ka para magbakasyon? Eh, bakit tumatanggap ka ng costumer?"

Dalawang araw palang siya dito sa Sansidlan para magbakasyon. Paano ay nag-away sila ng jowa niyang itim, kaya dito pumunta sa akin.

"Gaga, sayang ang datong, momshie. Bigtime nga, diba. So malay mo, bigyan ako ng malaking datong kapag na-enjoy niyang kasama ako," humagikhik ang gaga. "ikaw ba, momshie, ayaw mo na ba talagang tumanggap ng costumer?"

Sinamaan ko ng tingin si Austin. "Gaga, change career na nga ako diba. Gusto ko nang magbagong buhay at ayoko na mag-G-R-O,"

Bigla siyang tumawa kaya sinamaan ko nanaman siya ng tingin. "Sus, 'yang pagiging G-R-O ang bumuhay sa iyo, noh. Kundi dahil sa trabaho natin na iyon hindi ka makakapagtapos ng college,"

"Hindi ko naman nakakalimutan 'yon, gaga!" pinandilatan ko siya ng mata. "pero basta, ayoko nang bumalik sa pagiging 𝑏𝑎𝑘𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜𝑘𝑝𝑜𝑘. Gusto ko nang magbagong buhay,"

Determinado na talaga akong magbagong buhay. Napilitan lang naman akong pasukin ang pagiging pokpok para lang makapag-aral sa kolehiyo.

First year college palang kasi ako no'ng namatay ang madreng nagpapaaral sa akin sa probinsya. Kaya napilitan akong lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho, at nakilala ko si Austin. Siya ang nag-offer sa akin ng trabahong pagiging pokpok. Pinatos ko na para naman makapag-aral ako ng kolehiyo.

Dahil sa pagiging GRO ay nakapagtapos ako ng college, napagawa ko ang balur namin sa probinsya at may malaking babuyan na sila nanay doon. Si Lily ay nakakapag-aral na sa magandang school.

Pero ngayon hindi ko na gustong maging pokpok. Sapat na ang ilang taong naging GRO ako, and it's time na para ayusin ang buhay ko.

Umalis agad si Austin pagkatapos mag-almusal. Kaya naiwan sa akin ang paghuhugas sa mga pinagkainan. Pagkatapos kong maghugas ng mga plato at maglinis ng balur, naligo naman ako at nag-ayos ng sarili.

Dumaan muna ako sa carinderia ni tiyang Budang at inihatid ang iniutos niyang siling labuyo. May tanim kasing siling labuyo sa likod ng bahay namin, kaya nakakalibre si tiyang Budang ng siling labuyo.

"Lea, hindi na daw makakapag-alaga si Rowena kay Jaya. Uuwi na siya ng Sorsogon," hindi naman sa tsismosa ako, sadyang narinig ko lang ang usapan ni Lea at ng 𝑗𝑢𝑠𝑎𝑤𝑎 niya.

Naloloka nga ako dito kay Lea. Paano niya kaya nagustuhan ang Maridell na iyan, eh, ang taba-taba at ang itim pa. Parang hindi naghihilod kapag naliligo. 𝐼𝑛 𝑠ℎ𝑜𝑟𝑡, 𝑎𝑛𝑔 𝑐ℎ𝑎𝑘𝑎 𝑛𝑖 𝑎𝑡𝑒 𝑔𝑢𝑟𝑙.

"So anong gagawin ko?" pabalang na sagot ni Lea. Talagang bilib ako dito kay Lea, eh. Maangas lagi. Malamang takot sa kaniya iyang 𝑗𝑢𝑠𝑎𝑤𝑎 niya.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon