12장-"Panganib"

16 1 0
                                    

                        LEA P.O.V.

Inabutan na kami ng dilim pero hindi parin namin nahahanap ang kaharian ng mga diwata. Marami na kaming pinagdaanan dito sa forest, at marami na rin kaming nakasagupang mababangis na hayop mula kanina pang umaga.

Naghahalo na nga ang pagod sa gutom ko. Kumakalam na ang sikmura ko. Shuta wala pala kaming baong pagkain.

"Anong hayop pa ba ang makakaharap natin? Nakaharap na natin ang lion kanina, pati tiger, tapos 'yong mabangis na asong lobo. Shuta, pagod na pagod na ako at gutom pa," reklamo ko. Wala kaming tigil sa paglalakad.

"Heto, mga tinapay," biglang nag-abot si Adrian sa amin ng mga tinapay at isang 1.5 na coke.

"May baon ka?" tanong ni Mariss sa lalaki.

"Nope. Galing lahat iyan dito sa mahiwagang bag," tinaas niya ang hawak na bag, maliit lang iyon kaya nakakapagtakang nagkasya lahat ng pagkain na ito sa loob.

"Teka, diyan din ba galing ang mga weapons na ginamit mo kanina sa mga wild animals na nakalaban natin?" tanong ni Mario.

"Maka-𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 ka naman diyan, e, wala ka namang ginawa kundi ang tumili ng malakas," pamg-aalaska ko sa baklang trying hard magpanggap na lalaki sa harap ng crush niya.

"Yep," sagot ni Adrian. "sabi ni ms. Melody magivmc bag daw ito, lahat ng kakailanganin natin ay ibibigay ng bag na ito-"

Hinablot ko kay Adrian ang bag at sinilip ang loob. Shuta walang laman.

"Kailangan ko ng fied chicken, french fries, burgers, ice tea, sphagetti at graham cake," para lang akong nag-order sa kainan.

No'ng silipin ko ang bag, nanlaki ang mga mata ko dahil lahat ng sinabi ko ay nasa loob na niyon. Isa-isa kong nilabas ang mga iyon habang kumikinang sa tuwa ang mga mata.

"Wow! Magic nga!" bulalas ni Mario, dadampot sana ng pagkain ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Ano ka, sinusuwerte!" binigay ko sa kaniya ang magic bag. "um-order ka ng para sa'yo, akin lang 'to lahat,"

Narinig ko siyang bubulong-bulong kaya inambahan ko ng kamao ko. Ngingiti-ngiti naman siya.

"Hoy magic bag, bigyan mo ako ng isang buong baboy ngayon din," bigla niyang nabitiwan ang magic bag nang magliwanag iyon. Pagkalaho ng liwanag ay lumitaw ang malaking buhay na baboy. "nyek!" nakapagtago agad si Mario sa likod ni Mariss.

Salamat sa magic bag dahil nakakain kaming lahat ng mga gusto naming pagkain, at nabusog kami. Hindi tuloy ako makatayo sa sobrang kabusugan kaya walang pakealam na humiga ako sa buhanginan.

"Guys, we can't stay here. Kailangan natin maghanap ng pwedeng matulugan na safe," sabi ni Mariss.

"Bakit 'di nalang natin hilingin sa magic bag na iyan na biyan tayo ng malaking bahay na pwede nating matulugan ngayong gabi," suhestiyon ni Mario.

"Actually, nag-try na ako kanina na humingi dito sa magic bag, pero hindi niya kayang ibigay," sabi ni Adrian.

Wala kaming choice kundi maglakad at maghanap ng pwede naming matulugan ngayong gabi.

Matataas ang mga puno dito, at wala kaming makitang lugar na pwede naming mapagpahingaan magdamag.

"Waaaaaaaahhhhhhhhhhh!"

Naalarma kami nang biglang sumigaw si Mario. Ang bakla tumatakbo papunta sa amin habang sumisigaw.  Ayun pala'y hinahabol siya ng malaking cobra!

"Mario, bilis!" sigaw namin.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Where stories live. Discover now