56장-"Pagkakaibigan"

8 0 0
                                    

AMARI P. O. V.
                              

  
Pagkatapos nilang mapabagsak ang higanteng bato, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakbay, kasama sila Hana at 'yong poging pulis na Gibs ang pangalan.

"Tingnan niyo, may palasyo," sabi ni Lea, huminto naman kami at tiningnan ang tinuturo niyang palasyo.

"어! T-That's Samara's castle," bulalas ni Thumby na nakaupo sa balikat ni Jiggs, nagpapahinga. Lumipad siya paitaas. "we're here, guys. Nantido na tayo sa Samara's castle,"


Lamang naman ang kaba sa excitement ko, pakiramdam ko nandito na kami sa katapusan namin.

"Wait, may sasabihin ako," biglang nagsalita si Gibs at lahat kami ay tumingin sa kaniya. "ang mabuti pa maghiwa-hiwalay tayo para mas mapadali ang paghahanap kina Madam Marsia Alegra. Jiggs, sumama ka sa akin, doon tayo,"

"Okay fafa Gibs," malanding ngumiti si Jiggs, napairap naman ako. Harot nanaman ang umiral sa bakla. "hoy Thumby, sumama ka sa amin," at hinablot niya ang maliit na lambana.

"Kayong apat, kailangan magkakasama kayo. Kami na ang bahalang maghanap kina Madam Marsia Alegra, at kayo ay si Samara ang hanapin niyo," sabi pa ni Gibs.

"Teka, teka, bakit namin hahanapin si Samara? Sila Mommy Tess lang ang pakay namin dito," kontra ko, nagulat ako nang mahina akong kutusan ni Lea.

"Alam mo ikaw, minsan mo lang magamit 'yang utak mo, noh. Malamang, nandito narin lang tayo, bakit hindi pa natin lubusin," mataray na sabi ni Lea, nakatingin lang naman ako sa kaniya na naguguluhan.

"Misyon natin ay pabagsakin si Samara. At dahil nandito na rin lang tayo sa teritory niya, kaya tapusin na natin ang laban sa kaniya. Gagawin na natin ang misyon natin," seryosong paliwanag ni Mariss. Nanlaki naman ang mga mata ko at parang gusto kong bumagsak at mahimatay. Hindi ako prepare!

"But guys, we're not complete. Ana and Mario are not here. Where's Ana by the way?" tiningnan pa ni Hana ang paligid para hanapin si Ana.

"Huwag mo nag hanapin 'yong traydor na iyon. Pinagkanulo niya kami kay Samara. Imbes na siya ang sumalubong sa amin pagdating dito sa isla, mga kampon ang nakaharap namin," inis na inis si Lea.

Humiwalay na kaming apat na babae kina Jiggs, Gibs at Thumby. Lumapit kaming apat sa kastilyo, pero no'ng may dumaang mga kampon ay nagtago kami agad sa mga bato.

Napakataas ng kastilyo, at sa gitna diretso sa gate ay may red carpet. Ang tataas din ng mga bakot at haligi at nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa paligid.

Pagkaalis ng mga kampon ay lumabas na kami at maingat na pumuslit papasok sa loob ng palasyo ni Samara.

Pagkapasok ay tumambad agad sa amin ang hili-hilerang mga kampon. "Patay!" napasapo ako sa ulo habang pinagpapawisan ng malamig.

"Walang aatras. Kaya natin 'yan," seryosong sabi ni Mariss, napabuga naman ako ng hangin. Dahil hindi kapangyarihan namin ang makakapatay sa mga kampon na ito kaya espada ang ginamit namin para targetin sila sa mga puso nila.

Hinihingal kaming apat pagkatapos naming itumba ang mga kampon. Nagulat ako nang bigla nalang may pumalakpak, at pagtingala naman ay nasa hagdan si Samara, nasa likod niya naman si Ana at 'yong isa pang babae na mahaba ang buhok, at nakaitim na dress, pati make up itim din.

"Bravo, Diwata friends, bravo!" humalakhak pa ang bruhang Samara at saka naglakad pababa ng hagdan. Kasunod naman niya si Ana at 'yong babaeng nakaitim.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Where stories live. Discover now