THIRD PERSON
P. O. V.Kahit sugatan ay patuloy na nakipaglaban si Mariss. Iniisip niya kasi na kung hindi siya tutulong ay baka matalo ang puwersa nila. Kaya kahit hirap at iniinda ang sugat sa kaniyang tagiliran ay lumaban parin siya.
Sa wakas din ay nahanap na ni Amari ang magic stick niya, pero napalibutan naman siya ng mga kampon. Sumiklab ang galit sa kaniyang dibdib at nakaramdam nanaman siya ng kakaiba sa kaniyang katawan. Parang may kung ano ang sumapi nanaman sa kaniya at naging malakas ulit siya at mahusay sa pakikipaglaban.
Magkatulong naman sina Lea at Hana na nakikipaglaban sa mga kampon, napapaligiran din sila at nahihirapan silang itumba ang mga ito. May sugat na rin sa braso at hita niya si Hana, ngunit katulad ni Mariss ay binalewala niya lang din ito. Patuloy parin siyang lumalaban para sa kabutihan.
Si Ana at Samara ay patuloy din sa pagsasagupaan. Buong liksing umikot si Ana papunta sa likod ni Samara at sinakal niya ito gamit ang kabilan na hawak niya.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyo sa Mommy ko! Pagbabayarin kita, Samara!" she said as she trembling in anger.
Ngumisi naman si Samara. "Hindi mo siya ina, Ana. Ako ang totoo mong ina,"
Lalong nag-alburuto sa galit si Ana, hinigpitan pa niya ang espada sa leeg ni Samara. "Huwag mo akong ginag*go! Hindi kita nanay-oouuucchh!"
Bigla siyang siniko ni Samara dahilan para mapaatras siya at mabitiwan ang babae.
Humalakhak si Samara at sinakal siya gamit ang kapangyarihan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/344800789-288-k334977.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒
Fantasi𝐃𝐢𝐰𝐚𝐭𝐚 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬 𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐢𝐬 𝐟𝐢𝐥𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬𝐲. 𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑟𝑢𝑚𝑎𝑑𝑢𝑎𝑡𝑒 𝑛𝑔 𝑗𝑢𝑛𝑖𝑜𝑟 ℎ𝑖𝑔ℎ 𝑠𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑠𝑠, 𝐴𝑛𝑎, 𝐿𝑒𝑎, 𝑎𝑡...