6장- "Training"

18 1 0
                                    

                  𝐌𝐀𝐑𝐈𝐒𝐒 𝐏. 𝐎. 𝐕.

"Anong klaseng club naman ba iyang sinalihan mo at one week kayong mawawala?" tanong ni mommy, magkakasabay kaming nagdidinner.

Tatlong buwan na kaming members ng G-club at sobra akong nag-eenjoy sa mga activities namin. Sobrang interesting at nakakalibang. At next week nga ay lalabas na kami ng school para sa sinasabi nilang malupet na training namin sa club.

"Saan naman ba ang training niyo?" tanong ni dad.

"Sa 𝑊𝑖𝑙𝑑 𝐹𝑜𝑟𝑒𝑠𝑡 daw po, dad,"

"Wild forest!" biglang sabat ni ate Lyka.

"Why, ate? Sobrang delikado ba doon?" I suddenly felt scared. 'Yomg reaction kasi ni ate parang may halong pag-aalala.

"Hindi naman," sabi ni ate kaya nakahinga ako. "pero balita ko maganda sa wild forest,"

Grabe ang pangungumbinsi ko sa parents ko, lalo kay mommy para lang mapapayag na sumama ako sa training. At dahil sa convincing charm ko ay napapayag ko nga sila kaya sobrang tuwa ko.

Bago matulog ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko at naggroup video call kami. Masaya kaming apat dahil lahat kami ay pinayagan na sumama sa training.

Problema lang talaga ay 'yong Hades na iyon na hindi lang namin kaklase. Member din siya ng G-club at madalas niya kaming pagtripan kapag walang teacher. Feeling ko at gusto niya kaming umalis sa Ice unversity kaya gumagawa siya ng mga paraan. Well, sorry siya, hindi kami masisindak.

Sa tatlong buwan namin sa Ice university sobrang enjoy ang pag-aaral namin doon. Masasaya kasi magturo ang mga teacher kahit na ang iba sa kanila ay masyadong terror  at mahihigpit kapag oras ng klase.

Okay naman ang pagtuturo nila. Masaya at enjoy naman kami, at may mga natututunan naman kami.

Pero may isang bagay lang akong ipinagtataka, kapag may pinapagawa sa amin ang mga teachers namin, kahit gaano pa kahirap at kadami ay segundo lang natatapos ng mga kaklase namin. Tapos kapag naipapasa agad nila sa teacher namin ay may sinasabi ang teacher namin na sila-sila lang ang nakakaintindi.

May incident pa nga na may nakita akong student guy na tumalon mula sa rooftop ng building na 6th floor, pero ang astig ng pagkakalapag sa baba. Hindi nasaktan at hindi nagalusan.

So I confused and also can't help myself to think what's with our school mates are. It seems like there's something strange about them.

After a week, heto na 'yong hinihintay naming mga G-club members. Kagabi palang ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko, tinulungan din ako ni mommy. At maaga siyang gumising ngayon para ipaghanda ako ng breakfast.

"Oh, 'yong vitamins mo, dala mo?" tanong ni Mommy pagkapasok sa kuwarto ko.

Four am ang alis namin, at 3:30 kailangan nasa school na para hindi maiwan ng bus.

"Yes, mom," tugon ko. Inayos ko na ang sarili ko, at naglagay ng kunting make up sa mukha.

"Iyong mga bilin ko sa iyo, huh. 'Wag na 'wag mong kalilimutan, okay?" saad ni mommy. "gabi-gabi kang tatawag sa amin, at ipapaalam mo kung anu-anong mga activities niyo doon. Saka kapag may hindi tama, tumawag ka kaagad sa amin at susunduin ka namin agad,"

First time ko kasing mahiwalay sa kanila at two weeks pa, kaya ayan puro bilin talaga ang pabaon sa akin ni mommy.

Hinatid ako nina mommy at daddy sa school, at naroroon na nga ang ibang members ng G-club. Pero wala pa ang mga pilipino time kong kaibigan. I texted them, telling na nasa school na ako. At ang reply sa akin OTW.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ