26장-"Paglaya"

25 0 0
                                    

𝐉𝐀𝐒𝐏𝐄𝐑 𝐏. 𝐎. 𝐕.
         

 


Anong taon na ba? Ilang taon na ba akong nandito sa loob ng halamang ito?

𝐵𝑤𝑖𝑠𝑖𝑡 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 '𝑦𝑜𝑛𝑔 𝐻𝑎𝑑𝑒𝑠 𝑛𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛! 𝐻𝑢𝑚𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑠 𝑎𝑘𝑜 𝑑𝑖𝑡𝑜! 𝐿𝑖𝑛𝑡𝑖𝑘 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖!

Sa sobrang tagal ko nang nakakulong sa loob ng lumot, hindi ko na alam kung ilang taon na ang lumipas. Basta ang alam ko, ang tagal-tagal ko nang nandito at naiinip na akong makalabas. Nangangati na akong itupi sa walo si Hades!

Habang naka-upo ako sa mga basang lumot ay bigla akong napahikab. "Hay, inaantok ako. Matutulog nga muna ako. Sana kapag gising ko ay malaya na ako," palagi kong wish 'yan sa tuwing matutulog ako. Kating-kati na akong makalabas dito. Kating-kati na rin kasi ang katawan ko at ilang taon na akong walang ligo.

Sabik na akong makabalik sa palasyo. Kamusta na kaya ang Diwana? Sila madam Marsia Alegra at ms. Melody? Napatunayan na kaya nila sa reyna na wala silang kasalanan?

Sa kaiisip ko ay hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nakakatulog. Pero biglang nabulabog ang tulog ko nang may malakas na sumigaw.

"Waaaaahhhhhhhhh!"

Napamulagat tuloy ako at agad napabangon nang mapansing iba na ang paligid ko. Wala na 'yog puro kahel na dingding. May nakikita na akong iba't-ibang mga bagay.

𝐼𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑎𝑦 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛!

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito sa bahay ko? Sino ka?" nabaling ang tingin ko sa babae, bigla naman ako nitong pinaghahampas ng hawak niyang unan.

"Aray! Aray! Aray! Teka! Aray!

"Sino ka sabi, eh? Magnanakaw ka noh? Tulooong! May magnanakaw dito!"

Sobrang ingay ng babae kaya ginamit ko ginamitan ko ito ng majika para patigilin siya. Tuwang-tuwa ako kasi nagagamit ko na ulit ang majika ko. No'ng nakakulong kasi ako sa loob ng halaman ay hindi ko nagagamit ang majika ko.

"Yes! Yeeeess! Malaya na ako! Malaya na ako!" sa sobrang tuwa ay nagtatalon ako, hanggang masagi ko 'yong babae. Umupo ulit ako para pantayan ito at pinasadahan ko ang mukha.

"Ikaw pala ang nagpalaya sa akin. Maraming salamat," pinitik ko ang hintuturo at hinlalaking daliri ko, at bumalik na sa wisyo niya ang babae.

Dumampot ito ng walis at ihahampas sa akin kaya pinigilan ko.

"Sandali. Hindi ako masama. Hindi ako magnanakaw. Ako si Jasper, at hinahanap ko ang Encasia,"

Natigilan ito at napakunot. "Huh? Encantadia?"

Umiling ako. "Encasia... doon kasi ako nakatira. Kaso napatalsik kami doon, kaya nanatili kami sa Ice University at nagpanggap na mga estudyante,"

"Diyos ko, 𝑎𝑑𝑖𝑘 yata 'to, eh!" narinig kong bulong niya.

"Naiintindihan ko kung hindi ka maniniwala. Pero pwede mo ba akong tulungan mahanap sina ms. Melody at Madam Marsia Alegra,"

"Kuya, wala akong panahon makipaglokohan sa'yo. Umalis ka nalang dito sa bahay ko,"

"Sige, aalis ako. Pero pwede bang makahingi ng kaunting pagkain," pakiusap ko. Kumakalam kasi ang sikmura ko at nagugutom ako.

"No!" tinitigan niya ako ng masama. Ngunit nanlambot ang ekspresyon niya nang tumunog ang tiyan ko. "Hayst! Sige na nga, bibigyan kita ng sandwhich at juice. Pero pagtapos

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Where stories live. Discover now