11장-"𝐄𝐧𝐜𝐚𝐬𝐢𝐚"

15 1 0
                                    

                    MARIO P.O.V.

"Aray ko po nanay!"

Pakiramdam ko naputol ang spinal cord ko sa likod. Lintik na rainbow boat 'to, ilaglag ba naman kami kahit napakataas pa niya.

Ang sakit tuloy ng balakang ko pagtayo ko, at panay ang reklamo ko. Tiningala ko pa 'yong sinakyan naming rainbow boat at dinuro. "Ikaw, bwisit ka, huh! Bwisit ka!"

Bigla naman iyong gumalaw kaya napatago agad ako sa likod ni Mariss. Akala ko ha-hunting-in ako no'ng rainbow boat, hindi naman pala. Maglalaho na pala siya.

"Wow! Ang ganda naman dito!" sabi ni Lea, tiningnan ko naman ang paligid at pati ako ay namangha rin kasi ang ganda-ganda nga talaga ng tanawin.

Nasa mataas na bundok kami at tanaw na tanaw ko ang napakalawak na lupain na may mga bulaklak sa ibaba.

"우와! 예쁘다! (𝑊𝑜𝑤! 𝐼𝑡'𝑠 𝑝𝑟𝑒𝑡𝑡𝑦!)" mukhang namamangha din si koreana.

𝐵𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝐴𝑑𝑟𝑖𝑎𝑛, 𝑠𝑎𝑘𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛. 𝐾𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑔-𝑎𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔𝑛𝑎𝑛. 𝑁𝑎𝑔-𝑓𝑙𝑦𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑠𝑠 𝑝𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑙𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑘𝑒𝑛𝑒𝑙𝑒𝑔 𝑒𝑘𝑒 𝑛𝑜'𝑛𝑔 𝑖𝑙𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎. 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑢𝑚𝑢𝑠𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛, 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑛𝑔𝑖 𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑠𝑠, 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑔𝑢𝑚𝑢𝑠𝑜 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜.

Naudlot ang pagpapantasya ko nang may matigas na bagay ang tumama sa kamao ko--pero hindi pala iyon bagay, kamao pala.

Kamao ng laging champion sa suntukan. Kanino pa ba, e 'di sa 𝑚𝑎𝑡𝑜𝑛 kong friendlalu, Lea Agoncillo.

"Shuta ka! Anong nginunguso-nguso mo sa akin! Kadiri ka, Mario!" galit na sigaw ni Lea. Siya kasi ang nasa harapan ko.

"Nakakasama ka naman ng laman loob, teh. Nagde-day dream ako dito, eh. Panira ka ng moment," reklamo ko. Akmang kukutusan niya ako pero hinawakan ko agad ang kamay niya, dinamay ko na rin 'yong isa pa niyang kamay sabay tumawang inaasar siya.

"Hindi mo na ako masasaktan, hahahahahahaha!" halakhak ko, kasu bigla niya akong sinipa sa 𝑏𝑖𝑟𝑑𝑖𝑒 ko kaya napasigaw ako at nagtatalon sa sakit.

"Ah ah ah ah ah ah ah aaaahhh-raaaay ko pooo!" iyak talaga akong malala. 𝑃𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑜 𝑏𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑑𝑖𝑠𝑡𝑎'𝑛𝑔 '𝑡𝑜?

"Let's go, guys," sabi naman ni Mariss. Hindi ba siya aware na sobrang sakit ng 𝑏𝑖𝑟𝑑𝑖𝑒 ko.

Iika-ika akong lumakad. Bigla namang umakbay sa akin si Adrian kaya nagblush ang pretty face ko.

"Are you okay, bro?" tanong niya.

Keneleg naman ang person. "Of course, bro,"

"I like your friend, huh. She's astig," tumawa pa si Adrian. Ako naman ay natigilan at tumitig sa kaniya. Napansin niya na natigilan ako kaya tumawa ulit siya. "no, I mean, I like her personality. You know, ganiyan din kami ni Hana magbiruan,"

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Où les histoires vivent. Découvrez maintenant