7장- "Pag-atake"

18 1 0
                                    


                      𝐀𝐍𝐀 𝐏. 𝐎. 𝐕.

"500times push ups, Go!" utos ni coach Argaux at nanlumo ako.

Kundi lang kami kinausap ni Mariss kaninang umaga before the training begun. Sabi niya ay pinagtatawanan ni Hades ang pagiging lampa namin sa trainings. Kaya gusto niya na patunayan namin sa impokrita na hindi kami lampa.

Kahit ang totoo, lampa talaga kami dahil ang dali lang namin mapagod.

After ng 500times push up ay sunod na pinagawa sa amin ang 300 jumping, 1000 rolling.

"Pfffffttttt.... 10 minutes break,"

Sabay-sabay kaming anim na napaupo sa sahig at hingal na hingal. Lumapit naman si Hades sa amin na may nakakagigil na ngisi.

"So, what now team Diwata friends?Kaya niyo pa ba? Warm up palang 'yan," nang-iinsultong sabi niya.

"Haaa hahahahahahahha! Warm out palang daw 'yon, mga sisterit. Warm up palang, ibig sabihin may totoong training pa tayo." iyak-tawa naman si Mario. Tuloy pati ako parang gusto ko na rin umiyak.

In my entire life ngayon ko lang sasabihin 'to. "SUKO NA AKO."

Pumunta kami nina Mariss, and Lea sa bathroom, gusto kong maligo kasu natatakot akong mapasma. Tsaka may training pa pala kami mamaya. Gosh, I'm so malagkit na, because of my sweat.

"I hate it. I want to go home na!" reklamo ko.

"Two days pa nga lang tayo dito, parang susuko na agad tayo. Gusto ko na rin umuwe," sabi ni Lea.

"Psh! Para na rin nating pinamukha kay Hades na panalo siya kapag umalis tayo dito," said Mariss as she put liptint on her lips.

I pouted because I realized she was right. But I don't know how long I can handle this kind of training.

Bumalik na kami sa traning area. Mukhang kami nalang tatlo ang kulang kaya tuloy nahiya akong dumiretso kasi nandoon na rin sina coach Argaux, ms. Melody at madam Marsia Alegra.

"Saan kayo galing, mga sis?" tanong ni Mario pagkaupo namin sa tabi nila.

"Bathroom," simpleng tugon ko.

Nakinig na kami sa mga sinasabi ni coach Argaux. "Okay, G-club member, I want to tell you something-" natakpan ng malakas na pagsabog ang boses ni coach Argaux, at naramdaman kong bahagyang yumanig ang lupa.

Bigla nalang ding may kumalat na makapal at itim na usok sa paligid kaya wala na akong makita.

"G-guys?" I coughing.

"Ana....? Guys, where are you?" I heard Mariss voice so I sighed in relief.

Hindi parin humuhupa ang makapal na usok. Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Nakikiramdam ako sa paligid. Maya-maya nakarinig ako ng tunog ng mga sword na parang pinag-uuntog-untog. What happened?

Iba't-ibang sounds na ang naririnig ko, and hindi ko na maintindihan ang paligid lalo't wala akong makita. Hanggang naramdaman kong may humila sa akin.

"What's happening? Mariss? Lea?"

"Mamaya ka na magtanong. Kailangan natin makaalis dito agad" natigilan ako dahil boses lalaki ang narinig ko, hindi iyon si Mario. So ibang tao ang kasama ko?

Nawala ang makapal na usok nang makapasok kami sa isang kuwarto and I saw my friends there, together with a two woman both wearing a black bodice with leather leggings and knee-high black boots, and they're both look sexy in their outfit. Maikli ang buhok no'ng isa na kulay pula, at 'yong isa ay mahaba ang buhok na kulay golden brown.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Donde viven las historias. Descúbrelo ahora