31장-"Pagkawala ng tatlong medalyon"

25 0 0
                                    


                         𝐋𝐄𝐀 𝐏. 𝐎. 𝐕.

Kinagabihan, magkakasalo kaming kumakain ng hapunan habang pinag-uusapan ang pakikipag-engkwentro namin kanina sa mga kampon.

"Hindi pa nga natin naso-solve ang mga RD, may mga kampon pa," pumalatak si Mario. "buti nalang pagkatapos ng pakikipag-laban, may masarap na foods ang nakahain sa mesa," pinuno niya ng mga pagkain ang plato niya.

"So what are we going to do now, Mommy Tess?" tanong ni Hana. Magkakasabay kaming kumakain pwera lang kina Mariss at Ana na parehong wala dito.

"Nakausap ko na si reyna Athena, pipilitin nilang mapaamin ang mga nahuling kampon para ituro kung nasaan nagtatago si Samara," saad ni Mommy Tess.

"Ngunit may problema, dahil ang mga nahuling kampon ay hindi na nakakapagsalita. Malakas ang kutob ko na ginamitan sila ni Samara ng majika upang hindi makapagsalita," sabi ni Ms. Melody.

"Eh paano 'yan. Walang kuwenta naman pala 'yong mga kampon na nahuli natin, eh. Dapat pala tinodas na ang mga iyon, eh," gigil si Mario, pero mas gigil ako kasi nagsasalita kahit puno ng pagkain ang bibig.

Habang nagkukuwentuhan kami ay biglang sumulpot si Ana na ikinagulat namin, akay-akay niya si Mariss, at mas lalo kaming naalarma dahil may malaking sugat sa tagiliran ang babae at nanghihina.

"Mariss!" napatayo kaming lahat at agad lumapit para alalayan si Mariss. Inihiga namin siya sa sofa. Nakapikit at nanghihina si Mariss, namumutla ang mukha niya at habol ang paghinga.

"What happened to her?" tanong ni Hana, nag-aalala.

"May umatake sa kaniya sa loob ng bahay nila. Hindi ko naabutan, at nakita ko nalang siya na nakahandusay at may sugat," tugon ni Ana.

Ipinaubaya naman namin kay Mommy Tess ang paggamot sa sugat ni Mariss. Pero nakabantay lang kaming lahat roon, hindi mapigilang mag-alala.

"Sino naman ang umatake sa kaniya? Mga kampon parin kaya?" tanong ni Mario. Bilib din ako sa baklang 'to, kahit gaano ka-emergency at ka-tense ang nagyayari, hindi mawawalan ng nginunguya ang bibig niya.

Pagkatapos magamot ang sugat ni Mariss, hindi namin siya iniwan hanggang magkamalay na siya. Kinuwento naman niya sa amin ang nangyari.

"Hindi kampon ang umatake sa akin kanina. Hindi ko nakita ang hitsura niya, dahil may kakayahan siyang maglaho," kuwento niya.

"Wait. Speaking of maglaho-" singit ni Mario na hanggang ngayon ngumunguya parin. Malaki siguro ang bulate sa tiyan nito at walang kabusugan. "Ana, kanina bigla kang lumitaw habang akay mo si Mariss. May teleportation power ka ba?"

Lahat naman kami ay tumingin kay Ana. "Oo,"

"Huh? Paano mo natuklasang may ganoong power ka? Kailan?" tanong ko.

"Noong namatay si mommy... kusa ko lang na-discover na may ganoong power ako,"

"Bukod sa mga rebeldeng diwata, at mga kampon, may iba pa tayong mga kalaban. Pero natitiyak ko tauhan lang iyon ni Samara. Balak ka niyang patayin Mariss," saad ni Mommy Tess at nakakapag-alala ang pagiging seryoso niya.

"Wait, Mommy Tess, can I ask you... you always mention Samara's name but we haven't seen her face even once," nakakunot ang noong sabi ni Hana.

Gamit ang power ni Ms. Melody ay pinaharap niya sa direksyon namin ang malaking salamin at doon ay may babaeng nakaitim na ipinakita sa amin. Itim na saya ang suot ng babae sa salamin, may mabalahibong scarf sa leeg, itim ang gloves sa mga kamay, itim ang lipstick, ang eyeliner at may eyebags sa ilalim ng mga mata.

𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Where stories live. Discover now