15장-"Kasunduan"

39 1 0
                                    

                          𝐀𝐍𝐀 𝐏. 𝐎. 𝐕.


"Mahal na reyna, pakiusap po. Huwag niyong dalhin sa delikadong lugar ang mga kaibigan ko! Pakiusap po!"

Iyak ako ng iyak sa harapan ng reyna. Naglulumuhod at nagmamakaawa sa kaniyang huwag ipatapon sa lugar ng mga wild animals ang mga kaibigan ko.

Kasalukuyan na ngang nakakulong ang mga kaibigan ko, at narinig ko sa reyna na mamaya ay dadalhin na sila sa lugar ng mga wild animals.

"Manahimik ka, Ana. Hindi mo sila mga kaibigan, kaya huwag mo na silang ipagtanggol," matigas na sabi ng reyna.

Humihikbing umiling ako. Hindi parin ako tumatayo, nanatili akong nakaluhod at nagsusumamong tumitig sa hara.

"Gagawin ko po ang lahat. Pakiusap, huwag niyo pong ipahamak ang mga kaibigan ko. Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo," pagsusumamo ko.

Lumapit ang hara sa akin, inalalayan niya akong tumayo at ngumisi.

"Handa kang gawin ang lahat?" she still smirked. Aminado akong kinabahan ako sa ngisi niyang iyon, pero wala na akong choice. I need to save my friends.

"Kung talagang handa kang gawin ang lahat para sa mga kaibigan mo. Gagawin mo ang gusto ko. Aalis na kayo dito sa Diwana, at hindi na rin kayo mag-aaral sa Ice University at hindi na kayo magpapakita kina Marsia Alegra at Aletheria kahit kailan,"

Natigagal akong tumitig sa hara. "Ho?"

"Gagawin niyo ba iyon, Ana?" ang lapad ng ngisi niya habang inilalapit ang mukha sa akin. Napalunok naman ako at hindi nakagalaw.

Pero dahan-dahan din akong tumango.

Pinalaya ng hara ang mga kaibigan ko at pinabalik kami sa mundo ng mga tao. Napilitan naman akong sabihin kina Mariss ang rason kung bakit sila nakalaya. Inamin ko sa kanila na nakipag-deal ako sa hara, at kailangan naming umalis sa Ice University.

Pare-pareho kaming walang imik hanggang makauwe sa kani-kaniyang bahay.

Pag-uwe ko nga ay dumiretso agad ako sa kuwarto ko at doon tumulala ng tumulala. Napapabuntong-hininga nalang ako sa lahat ng kakaibang karanasang naranasan namin dahil lang sa pagpasok sa Ice University.

Kinabukasan, sabay-sabay kami nina Mariss, Lea, at Mario nagtungo sa Ice University para formal na magpaalam na kina ms. Melody at principal Marsia Alegra.

"Final decision niyo na ba iyan?" bakas ang lungkot sa mukha ni ms. Melody. Kinausap ko ang mga kaibigan ko bago kami magpunta dito na huwag ipaalam sa mga taga-Ice university ang dahilan ng pag-alis namin.

"Oho. Gusto ho namin ng normal na buhay. At mangyayari lang ho iyon kung aalis na kami dito. Pasensya na ho kayo," Mariss said politely.

"Naiintindihan namin kayo. Pasensya na rin kayo, ipinipilit namin sa inyong gampanan niyo ang misyon na hindi niyo naman kaya. Huwag kayong mag-alala hangad namin ang katiwasayan ng inyong mga buhay, at sana ay makamtan niyo ang inyong mga mithiin," tugon ng madam principal.

Bago kami umalis ay naabutan pa naming dumating sina Adrian at Hana. Katulad namin ay aalis na rin sila sa Ice University at babalik nalang sa Korea para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

"So, saan na tayo mag-aaral ng senior high?" Lea asked.

Tumambay muna kami sa park pagkaalis namin sa Ice university.

"Uuwe na kami ni lola sa Laguna. Doon ako mag-aaral. Baka rin kasi umuwe na si mommy next week," sabi ko, naiiyak ako pero pinigilan ko. Ang bigat sa dibdib na malalayo na ako sa kanila.

"Kinukuha ako ng lola ko at gusto niya akong pag-aralin sa South Korea," said Mariss, sadness accrossed in her eyes.

"Sa Cebu na siguro ako pag-aaralin ni mama, mas okay daw kasi doon dahil malilibre na ako ng pag-aaral hanggang college," sabi ni Mario.

"Wow," kita ko ang pagtulo ng luha ni Lea. Tuloy hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko. "that means magkakalayo-layo na pala tayo. Okay din. Atleast back to normal ang mga buhay natin after what happened,"

I can't help but sniffed. "Mami-miss ko kayo. Sorry hindi na natin matutupad 'yong promise natin to each other na walang iwanan 'till the end,"

We hugged each other. Lahat kami ay umiiyak na.

"Okay lang 'yan," sabi ni Mariss nang kumalas na kami sa bawat isa. "I believe hindi pa ito ang last na pagkikita-kita natin. See you in the future nalang team Diwata Friends,"

"See you in the future, mga sisterit,"

Nag-group hug ulit kaming apat habang pare-parehong umiiyak.

Hanggang makauwe ako ay napakabigat parin ng puso ko. Maya't-maya ang pagtulo ng luha ko at ngayon palang ay mamimiss ko na ang mga kaibigan ko.

"Ana, nakapag-impake ka na ba?Mamayang madaling araw na ang alis natin," bungad ni lola pagpasok ko sa bahay.

"Mag-iimpake na po ako, 'la," I uttered.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Habang kinukuha ko ang mga damit ko para itupi ng maayos at maisilid sa loob ng bag, Biglang nahulog ang photo album na may nakasulat sa front page, '𝐷𝑖𝑤𝑎𝑡𝑎 𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑𝑠'.

Photo album namin itong magkakaibigan. Lahat ng mga pictures namin na magkakasama ay dinikit ko dito. Kahit nga 'yong pictures namin noong grumaduate kami ng elementary at no'ng junior high school.

Dinala ko rin ang photo album namin, at ang mga regalo sa akin ng mga sisterit ko tuwing nagbi-birthday ako.

Madaling araw ay bumiyahe na kami ni lola, habang nakasakay na kami sa habal-habal papuntang terminal nakatanaw lang ako sa labas. Ramdam na ramdam ko parin ang lungkot sa dibdib ko, sinusulit ko nalang ang pagkakataong ito na makita ang bayan namin. Dahil hindi ko alam kung kailan ko muli masisilayan ang bayan ng Sansidlan.


Noong nasa terminal na kami at naghihintay sa bus na sasakyan namin, hindi ko mapigilang mapalingon sa pinanggalingan namin ni lola. Wala sa loob na napangiti ako.

𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑖𝑠 𝑖𝑡. Sa oras na makatapak na kami sa loob ng bus, wala nang atarasan iyon. Tuluyan na nga kaming aalis sa bayang ito at magbabagong buhay sa ibang lugar. Aayusin ko muna ang buhay ko, aabutin ang mga pangarap ko. Pero nasisiguro ko kailanma'y hinding-hindi ko makakalimutan ang mga kakaibang karanasan naming iyon na nagsimula lang no'ng mag-aral kami sa Ice university, ang paaralan ng mga kakaibang nilalang na hindi ko akalaing nag-e-exist pala talaga sa mundo.



Pag-apak ko sa bus ay biglang humangin, at parang may narinig akong boses ng babae. "𝑯𝒂𝒉𝒆, 𝑫𝒊𝒘𝒂𝒕𝒂 𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅𝒔. 𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒆𝒂𝒎...."

Wala sa loob na napalingon ako, hinahanap ang nagsalita.

"Ana, tara na," tawag ni lola. Nilingon ko siya sabay tango, at dumiretso na kami sa loob ng bus at naupo.


Sa buong biyahe ay tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana, habang tahimik na lumuluha. Habang umaandar ang bus, ay lalong sumisikip ang dibdib ko, hanggang maalala ko bigla ang sinabi ni Mariss kahapon bago kami maghiwa-hiwalaya.

        "𝐼 𝑏𝑒𝑙𝑖𝑒𝑣𝑒 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑠𝑡 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎-𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑎𝑦𝑖𝑛. 𝑆𝑒𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑓ℎ𝑡𝑢𝑟𝑒 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑒𝑎𝑚 𝐷𝑖𝑤𝑎𝑡𝑎 𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑𝑠,"


I took a deep sighed and whisper to the air. "Farewell, mga sisterit. We will see each other again... promise,"




𝐃𝐈𝐖𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃𝐒Where stories live. Discover now