Kabanata 28

Mulai dari awal
                                    

Matapos ang ilang minuto, kasabay ng pagliko ng kotse ay ang pag-igting rin ng kanyang panga na parang nagtitimpi. Mga ilang segundo lang rin, nagkaroon na naman ng problema. Umugong bigla ang kotse kaya naalarma ako, mukhang tumirik yata.

Narinig ko ang mahinang pagmura niya bago sarkastikong nagsalita. "Tsk, great gas." Pinatay niya ang makina at tinanggal ang kanyang seatbelt kaya nangamba ako.

Napaimpit ako ng iyak. "W-Where are you going?" I slightly nervously asked.

"I'm just checking the surroundings. Dito ka lang." Matigas na sagot niya, halatang galit. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako nililingon o sinulyapan manlang. Hindi ko alam pero nakakaramdam talaga ako ng mumunting sakit sa kanyang ginagawa. Talagang dire-diretsyo siya sa paglabas na parang walang pake sa akin.

Napalunok ako.

I'm not certain but I had a feeling that Radge is mad at me. Hindi kay Charles, pero sa akin. Nasasaktan ako dahil ganito siya makitungo. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang umakto sa akin ng ganyan. I didn't get him. Kung galit siya dahil nagdesisyon ako na sumama kay Charles that time, edi sana hindi nalang niya ako binalikan kung ganito lang rin. I can't read him enough. Naguguluhan ako sa kanya at naguguluhan rin ako sa sarili ko kung bakit apektado na apektado ako sa kinikilos niya. Nakakatawa. Imbis na suklaman siya, heto ako ngayon, parang takot na takot siyang mawala sa paningin. Hindi ba dapat nga hinahayaan ko lang siya? Hindi ba dapat galit ako dahil sa nalaman ko? Pero, bakit ganito? Anong nangyari bigla? Bakit parang naghahabol ako sa presensya niya na animo'y ayaw maiwanan?

Tsk, you're not thinking straight, Curse. Ano bang nangyayari sayo?

Ilang segundo lang na lumabas si Radge at agad ring bumalik. Madilim pa rin ang paligid kaya hindi ko alam kung saan siya nagpunta o ano ang kanyang ginawa. Basta pagbalik niya, diretsyo siya sa side ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at binuhat. Galit pa rin ang presensya niya kaya tahimik lang ako. Gusto ko pa nga sanang magtanong kung saan kami pupunta pero nung masanay ang aking mata sa dilim, napagmasdan ko ang paligid.

I gulped.

Pabahay. Para siyang pabahay sa baranggay, at ang baranggay na ito ay sakop ang school namin, means hindi pa kami ganon nakakalayo sa aming paaralan. I gasped. Nung mailibot ko saglit ang paningin sa lugar, bahagya akong napangiwi. Why? Dahil, mukhang nakakalungkot ang sinapit ng pabahay na 'to. Kahit madilim at walang ilaw, kitang-kita ko kung gaano kagulo ang mga gamit na nasa labas, kung gaano kakalat ang lugar dahil sa outbreak na nangyari, at kung gaano kasalimuot ang nangyari sa mga bahay.

I sighed.

Hindi naman na ako nagtagal sa pagtitingin dahil pumasok na kami ni Radge sa isa sa mga pabahay ng baranggay. Marahan niyang inilapag ang paa ko sa sahig kaya tumayo ako ng maayos, agad naman siyang bumalik ulit sa pintuan at sinilip ang labas bago tuluyang isinarado ito.

"Dito muna tayo pansamantala." Seryosong sabi niya at inilabas ang cellphone. Tahimik naman akong humikbi habang pinapanood siya. "Can you please stop crying?" His voice thundered angerly at me. Dahil don, mas napaimpit ako ng iyak. Ngayon lang kasi siya lumingon ulit sa akin, at ang masaklap, halatang galit pa siya. Mabibigat ang kanyang hakbang nung lapitan ako. Pinunasan niya rin ang luha ko gamit ang palad niya sa marahang paraan.

"B-Bakit ka ba nagagalit?" Mahinang tanong ko, nanginginig ang boses.

Hindi manlang nagbago ang emosyon niya. "Tumigil ka sa kakaiyak dahil kung hindi, baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong balikan pa roon si Charles at pahirapan siya." Aniya. While he was wiping my tears, bumaba ang kanyang mata sa aking suot kaya mas dumilim na naman ang kanyang mga mata. Umigting ang kanyang panga sa galit. "Fùck him..." Bulong niya at hinilamusan ang mukha gamit ang kanyang palad.

Escape to DeathTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang