"Radge..." Mahinang bulong ko at tumango-tango. "Cousin, huh?" Sarkastikong sambit ko pa. I know na hindi nararapat na maglapag ako agad ng judgement lalo na't isang side pa lang ang narinig ko pero ewan ko ba. Merong emosyon sa loob ko na unti-unting nabubuhay. Nabubuhay na naman ang inis at galit ko na nararamdaman ko kay Radge tulad nung noon. Like, kung ano talaga ang estado namin noon, enemies, ganon. Yung mga unclear na nararamdaman ko sa kanya these days ay parang nawala bigla. Yung pag-aalala ko sa kanya, yung nararamdaman kong safeness around him, yung nararamdaman ko tuwing malapit siya—wala. Wala na lahat. Napalitan ito ulit ng suklam at matinding inis. Parang bumalik lahat sa simula.

Nakakagalit.

Malakas na malakas ang pakiramdam ko na may katotohanan ang pinagsasabi ni Charles. Ngayong wala na akong sakit na nararamdaman except sa lagnat na ramdam ko pa rin, ayos na ako. Ayos na ang takbo ng utak ko. Nakakapag-isip na ulit ako nang maayos. At sa desisyon ko ngayon, alam kong may kabuluhan ang pinagsasabi ni Charles. Ngayon ko naalala na may kapatid nga pala akong babae, panganay for clearer. I can't believe na nakalimutan ko ang importanteng memorya na 'yon pero hindi ko naman masisisi ang aking sarili dahil alam ko kung bakit.

Yun nga lang, medyo malabo pa lahat. Kailangan ko pa rin ito iclarify kay Zeor. I need to meet him para malinaw sa akin lahat. There's something I need to know more. Nakukulangan pa ako. Hindi kompleto ang memoryang naalala ko.

Sumama ang timpla ng mukha ko.

This is so unbelievable!

Ano nga ulit ang dahilan kung bakit ako galit kay Radge at dapat siyang iwasan? Dahil ba mortal enemies lang kami? O may nakalimutan lang akong mas malalim pang dahilan? At ang dahilan na 'yon ay ito? Ito ba? Na kaya ako galit na galit sa kanya dahil siya ang may kasalanan kung bakit nawala ang ate ko?

"Fùck!" Bulong ko at gigil na kinusot ang bedsheet. This is not working enough. I badly need to meet Zeor right now. My cousin is the only one who can answer me truthfully. Siya lang ang makapagpapaliwanag sa akin at siya lang ang alam kong totoo. I can't trust anybody right now. Pakiramdam ko ngayon, dahil sa mga memories at mga nalalaman ko, feeling ko, niloloko lang ako. Niloloko lang ako ng mga taong 'to. Niloloko ako nang mga taong nakakasama ko.

I sighed.

Kahit hindi pa ako sure kung totoo nga ba talaga ang sinabi ni Charles about kay Radge, merong emosyon sa loob-loob ko na nabawas for him. Nararamdaman ko rin ang panghihinayang, kalungkutan at matinding galit for him and for myself na hindi ko alam kung saan galing. I don't know why I'm feeling this way. This is so unclear at gusto kong maliwanagan sa nararamdamang 'to. And, I do have a feeling na sa something na ito, sa something na nararamdaman ko kay Radge, nararamdaman kong hindi ito nakakabuti para sa akin. I wanted it to fade away.

*DOOR OPENS*

Natigil ako sa pag-iisip at napatingin sa harapan para makita kung sino ang bumukas ng pintuan. I saw Charles there, coming in my direction.

"You're awake, again..." Ngumisi siya. Umupo siya sa harapan ko at marahang inabot ang palapulsuhan ko.

"How long have I been sleeping?" Tanong ko sa kanya as I resist my hand on him.

"Three hours? I'm not sure..." Malulumanay at may himig na panlalambing sa boses niya. Hinila niya ako kaya agad akong napalapit sa kanya. Hinuli niya ang bewang ko at niyakap 'yon. Mabilis niya ring isiniksik ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Let me go." Madiin na utos ko habang pilit na tinutulak siya, pero parang kahit anong gawin ko, I can't make him move away. Sobrang bigat at diin niya.

Escape to DeathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora