Kabanata 24

Depuis le début
                                    

I gritted my teeth.

Kung akala nila ay mapapabilog nila lahat nang tao rito, pwes ako, hindi. I'm already aware about this game at talagang lugi pa kami sa lugi. The fùck! Prangkahan na ha? Pero, kung hindi aware ang mga taga-Mystery Club na 'to, ako na ang di-diretsyo. Honestly, their game is sucky and adverse. Pinaglololoko lang nila kami. Walang katuturan ang game na 'to. Parang ang ginagawa nila, kami lang ang maglalaro pero sa huli, sila pa rin ang panalo. The hèll is this?!

"Are we clear?" Tanong pa nito. Magre-reklamo sana ako pero agad akong nawalan ng balanse nung umikot ang paningin ko at literal na dumiin ang bigat sa katawan ko.

Mabuti nalang, may sumalo.

Si Radge ba?

Pinilit kong idinilat ang aking mata ngunit nadismaya ang mukha ko nung makitang kamyembro ito nung Mystery Club. Napapikit ako ng mariin at nilabanan ang hilo. Lihim rin akong napasinghal. Naalala ko, nakagapos nga pala si Radge at ang nakakapagtaka, mukhang hindi nila ito isasali sa laro. Bakit kaya?

"Pùta ka!" Agad akong sumalampak sa sahig nung marinig ang boses ni Charles at sinugod ang may hawak sa akin. "Manyak kang kìngina ka!" Sigaw nito at pinaulanan ng mabibigat na suntok ang lalaking sumalo sa akin. "Tìgang na tigàng ka na bang hayòp ka?!" Sigaw pa nito at pinagsusuntok ang lalaki.

"H-Hey!" Awat ko rito.

Akma na sana siyang babarilin nung lalaking nasa stage pero agad na sumigaw yung lalaking binubugbog ni Charles na 'huwag' raw. Mabuti naman at hindi pa nakalabit ang gatilyo. Mabilis na nagsilapit ang dalawang lalaki na myembro pa ng Mystery Club at hinatak si Charles para maligtas ang kanilang kasama. Napamura agad ako. Why? Dahil nung makita ko ang kalagayan nung lalaki na sumalo sa akin, putok na ang labi nito at dumudugo na ang ilong. Namumula na rin ang buong mukha niya dahil sa ginawa ni Charles. Hindi ko inaasahan 'yon. Mukhang mabigat-bigat pala talaga ang kamay ng Charles na 'to.

"Tàngina, sarap." Sabi nung binugbog ni Charles, yung lalaking sumalo sa akin. Masama ang tingin nito sa kaaway habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. "Sarap mong asarin." Tumawa siya at dumura. "Totoo pala talagang adik ka kay Vice President 'no?"

"Putànginamo!" Sigaw ni Charles at akma sanang susugod ulit nung sikmurahan siya nung dalawang lalaki para pumirmi.

"Pre, magsisimula na ba?" Biglang bumaling ito sa lalaking nasa stage. "Pabor lang saglit. Request ko 'tong si Charles na huwag na isali sa game. Tàngina, may kasalanan pa 'to sa akin e..." Ngumisi siya. "Bigay mo na sa akin 'to. Mabigat 'yung kasalanan nito sa pamilya ko, e."

Bumuntong-hininga yung lalaki at kalauna'y tumango. "Sige. Tali niyo don sa likod."

Mas lumawak ang ngisi nung lalaki at tumango. "Sige, Pre. Ako na bahala." Sabi niya pa at nagpatulong sa dalawang kasama na ihatid ang nagwawalang si Charles sa backstage ng auditorium.

"Hindi kita kilala, ulòl ka ba?! Ngayon tayo magtuos! Bitawan niyo ako!" Reklamo ni Charles.

Sinikmurahan naman siya ng lalaki. "Pamilya mo may kasalanan sa business ng Daddy ko, hindi mo alam?! Gàgo!"

Umubo si Charles habang kinakaladkad siya papasok sa isang malaking kurtina. Tumawa siya. "Kung ang pamilya ko pala ang may kasalanan, sigurado akong nararapat lang rin sa pamilya mo 'yon!"

Escape to DeathOù les histoires vivent. Découvrez maintenant