Kabanata 46

23 3 9
                                    

Trigger Warning!



Woman she loved



Malalim na ang gabi, nakahiga na kaming dalawa ni Lana. Parehas kaming nakatingin sa kisame. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita kahit pa alam kong gising pa siya at alam kong alam niya rin na gising pa ako.



"Hindi ka pa rin ba makatulog?" pagpuputol ko sa mahabang katahimikan.


"Hindi pa," narinig kong sagot ni Lana.



"Ako rin. Hindi ko maiwasang hindi isipin si Marcia. Kumusta na kaya siya ngayon, nakauwi na kaya ang asawa niya?" may halong pag-aalala sa tono ng boses ko.



Buntis si Marcia at delikadong mag-isa lang siya sa bahay. Kahit pa may kasambahay sila na palaging titingin sa kanya, iba pa rin kapag nandoon ang asawa niya.


"Gusto mo ba siyang makita ngayon?" mabilis kong inilipat ang tingin kay Lana at pasimpleng ngumiti.



"Gabi na, maaabala ko pa siya," mahina kong tawa.



"Lana," tawag ko sa pangalan niya.



Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw ng hinihigaan hudyat na gumalaw siya.



"Koga," Lana answered me by calling my name.



I love when she does that.



"What is your opinion about marriage?" I close my eyes, waiting for her response.



Funny how I am asking her about this knowing her joke about marriage earlier.



There was a brief pause, inilipat ko ang tingin sa kanya na diretso lang ang tingin sa kisame.



Her lips twitched, I gulped thinking if I asked something too personal for her.



"Not a beautiful image," she breathed. "Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo tungkol sa nanay ko?"



I lick my lips. "Yes," I answered.



"She was in love," sandaling huminto si Lana, akala ko pa ay wala na siyang balak na sundan ang sasabihin niya kaya naman nagulat ako matapos marinig ang kasunod.



"Hindi sa papa ko. She was in love with someone, that is too far more like a burning star for someone like her, too impossible to reach. Noong bata pa lang ako, iyon ang palagi niyang kwento sa akin bago ako matulog, akala niya siguro hindi ko mapapansin na siya ang babae sa kwento niya. Kapag gabi-gabi mo naririnig ang paulit-ulit na kwento, iisipin mong may mas mabigat na dahilan sa lahat."



Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kwento niya.



"But she has to marry my father. You see, my opinion about marriage is clouded by the memories of our past. If you want to hear an opinion that will fit your ideal image of what a perfect marriage is, I am afraid I am not the perfect person you should ask," Lana chuckled.



"Nakikita ko ang nanay ko kay Marcia," dagdag niya na nagpahinto sa akin.



"Ang pinagkaiba lang nila ay, mahal ni Marcia ang asawa niya, ibang kwento ang sa nanay ko. Hindi niya mahal si papa, sinubukan niya, pero alam kong kahit anong pilit, hindi niya malilimutan ang unang taong nasa puso niya. Alam ng papa ko lahat. Tungkol sa mga kwento sa akin ni mama tuwing gabi, pero binalewala niya lang. Siguro inisip niya na asawa na niya ang nanay ko kaya wala na siyang nakikitang dahilan para mawala pa sa kanya ang nanay ko. Pero nagkamali silang lahat."



Hopeless shadow and Golden urns # 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora