Kabanata 25

48 4 1
                                    

Tomb of Silence



I don't think he's flirting with all those girls, but...



Paano ako makakalapit kung ang daming babae sa tabi niya?



Dinilaan ko ang natuyo kong labi bago tumabi sa malapit sa pinto. Hihintayin ko na lang na mawala o mabawasan ang tao sa paligid niya bago ako lumapit.



Hindi pa naman siguro tapos ang pinapanood nila Jane kaya may oras pa ako rito.



Hindi ko inalis ang tingin sa kanila kahit pa alam kong imposibleng tumingin sa banda ko si Sibyl dahil sa rami ng taong nakapalibot sa kanya. Halos lahat nang nandito ngayon ay malapit sa kanya.



...



Sandali akong napahinto para mag-isip.



Ano naman ang sasabihin ko kung sakaling makaharap ko siya?




Kung ako lang mag-isa rito ngayon baka nasabunutan ko na ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na basta na lang ako tumakbo para lang mahabol siya. Ni hindi ko naisip ang gagawin kung sakaling makaharap ko na siya.



Pasimple kong tiningnan ang pwesto nila. Abala pa rin sila sa pakikipag-usap sa kanya kaya mas itinuon ko ang pansin sa paligid.



Sapat lang ang laki ng silid, hindi ganoon kalaki pero hindi rin masikip. Sa pinadulong bahagi ng silid, may mahabang upuan at pianoforte na sa tingin ko ay sobrang luma na. Napansin ko kanina ang mga kamay na humawak sa piano kaya naman hindi na ako nag-alangan pa at tahimik na lumapit doon.



Maingat kong ipinadulas ang daliri sa pag-aakalang walang masamang mangyayari, kaya naman ganoon na lang ang pagsisisi ko matapos iyon aksidenteng mapindot na naglikha ng tunog dahilan para manahimik ang lahat.



Ayokong tumalikod kasi alam kong lahat sila nakatingin ngayon sa akin.



Ngayon lang, sa buong buhay ko pinangarap na sana lunukin na lang ako ng lupa o isuka ako ng mundo para tapos na.



The deafening silence as if I am standing in front of them in my natural-state, this shit is embarrassing.



Nang maramdaman ang mas bumigat nilang tingin at mas tahimik na paligid, wala akong nagawa kung hindi ang humarap. Pakiramdam ko mas lalong lalalim ang huhukayin kong kahihiyan sa sarili kung magpapanggap lang ako na walang nangyari.



"Sorry." I chuckled, trying to brush the embarrassment away,



Fuck, how do I handle this, naturally?



In between the shared silence slips a familiar tone of voice I can recognize. I do not have to open my eyes, or find the owner of that voice because I know.



"I appreciate everyone for coming here, kahit pa maikli lang ang oras. I have important matters to attend to, I need to go."



...



Wait...



Ito na ang pagkakataon ko.



Nang makita ang mga tao na nakasunod sa kanya sa paglabas, may naisip akong plano na alam kong gagana.



Nagmadali ako sa paglabas ng pinto, sinigurado ko na ako ang mauuna. Malakas ang kutob ko na hindi nila sasabayan si Sibyl sa paglabas para hindi makaagaw ng atensyon, mukhang nirerespeto nila si Sibyl kaya alam kong gagana ang iniisip ko.



Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now