Kabanata 45

32 3 9
                                    

Lana's joke


"I did it myself."


"Y-you did," I whispered her words trying to make sense of everything.


Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o tama ba ang naisagot niya sa akin pero hindi na muli pang nagsalita si Lana, hindi na rin ako nagtanong pa.


Mabilis kong inalis ang kamay kong nakahawak pa rin sa likod niya at tsaka umayos ng tayo. Inayos ko rin ang buhok ko kahit pa hindi naman iyon nagulo.


Itinuon ko ang buo kong pansin sa malawak na salamin sa loob ng kwarto habang abala si Lana sa pagbibihis.


Pasimple kong tiningnan si Lana na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin abala sa pag-aayos ng tali ng damit niya na nabuhol.


Her skin is really smooth.


I want to touch...more.


More.

More.


"Koga?"


"Koga, ayos ka lang ba?"


Mabilis akong napaatras matapos maramdaman ang kamay ni Lana sa ibabaw ng balikat ko. Kanina niya pa ba ako tinatawag?


I felt that I was growing pale as soon as our eyes met. I cannot believe I was fantasizing of touching her again just because she let me touch her once.


...


Just what the hell is wrong with me?


"Gusto mo ba mamili tayo ng mga kailangan natin sa bahay?" tanong ko matapos ang katahimikan pagkatapos ng tanong niya.


Wala na kaming maluluto pa sa ibaba pero hindi ko planong ngayong gabi bumili. Pagod kaming dalawa ni Lana at plano na naming magpahinga.


Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang pumasok sa utak ko.



Mahina akong tumawa bago kamutin ang batok ko. "What I mean is–"



"Gusto ko," tipid na sagot ni Lana.



...



I gulped while slowly nodding my head. "Hmm," tango ko bago mabilis na lumabas ng silid.



Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga sa oras na makababa ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.



As soon as I heard the sound of the door closing upstairs, I immediately put on the coat that was hanging behind the window.



"Hintayin kita sa labas," hindi ako makatingin sa mata niya habang sinasabi ko iyon bago lumabas ng bahay.


Hindi nagtagal ang paghihintay ko dahil mabilis ang naging pagkilos ni Lana. Kalalabas ko lang pero ilang segundo ay isinasara na niya ang pinto ng bahay.


Tahimik ang paligid, hindi ganoon kalakas ang hangin na mas dumadagdag pa sa katahimikan na pinagsasaluhan namin habang naglalakad papuntang bayan. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon, pero matapos ang nangyari kanina, pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng hininga.


"About my scar," Lana uttered, stunning me. "You want to ask more about it, tama ba ako?" tanong ni Lana habang ang dalawang kamay ay nasa likuran.


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now