Kabanata 10

50 4 1
                                    

1830


Hindi ako makapaniwalang ang bata ko pa mamamatay. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang tagal ko nag-aral tapos ngayong maganda na ang trabaho ko, at tsaka naman ako mamalasin.


Karma na ba ito sa akin dahil sa ginawa ko sa mga magulang ko?


Hindi ko man lang nagawang makapagpaalam.


Paano kung hindi na nila makita ang katawan ko?


Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko matapos maramdaman ang unti-unting pagiging magaan ng katawan ko.


...


Ito na ba ang langit?


Pinagpagan ko ang damit ko at maingat na tumayo sa takot na baka may tumunog na buto sa katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ang huling natatandaan ko lang ay ang malakas na ulan, madilim na ang paligid at inaabot ko ang diary ni Jane nang may mabigat akong maramdaman sa may paanan ko na humila sa akin pababa.


At bakit tanghaling tapat na?


Anong nangyayari?


Nasaan ako at bakit parang pamilyar na hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin?


Maya-maya pa, may bigla akong narinig na paparating mula sa malayo.


Niliitan ko ang mata para makita nang maayos ang paparating.


"What the fuck?" I whispered, greatly astonished.


A carriage?


Bakit may ganito rito?


Buhay pa ba ako o patay na?


Carriage ba talaga ang sasalubong sa akin?


Gusto kong tumabi pero natatakot ako na baka mamatay ako kakaisip kung nasaan ba ko ngayon kaya minabuti kong kumaway para mapansin nila.


Hindi naman naging mahirap sa akin ang lahat dahil bigla naman itong huminto sa tabi ko.


Maya-maya pa, may lumabas na isang magandang babae.


"Can we help you with something?" she asked.


That accent.


What in the fucking tragedy is happening to me?


"Uhm, hi."


I am now sure that this is not heaven.


The only question is, what am I doing here?


Inanod ba ako? Parang masyadong malabo mangyari.


"Anong lugar 'to?" peke kong tawa.


Pakiramdam ko naging sobrang bigat ng katawan ko bigla.


"Steventon..." she paused.


"Steventon, Hampshire?!"


Mukhang natakot siya sa biglang pagtaas ng boses ko bago dahan-dahang tumango.


"May masakit ba sa 'yo?" tiningnan niya ako mula ulo pababa kaya hindi ko maiwasang hindi tingnan ang suot ko.


Kakaiba ang damit na suot niya, maganda pero kakaiba kasi wala na akong nakikitang ibang tao na nagsusuot ng ganyang damit maliban na lang kung gaganap sila sa isang classic movies.


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now