Kabanata 24

45 4 1
                                    

Indelible Verses



"Bakit ganoon? Sa tuwing ako ang magpa-plano, palaging may humahadlang?" sabi ni Nesta na nakaakbay sa akin ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana.



Ilang minuto lang kasi matapos ang naging play nila ay bumuhos naman ang ulan. Nakaalis na si Hans, Levi, pati na rin si Heather, naayos na rin naman ang lahat.



Kagaya ng naunang plano ni Nesta, gusto niya kaming dalhin sa theatre. Sa totoo lang, gusto ko rin. Gusto kong makita kung ano ang itsura ng theatre nila at kung ano ang pakiramdam na makapasok sa loob, kaso ang malas nga ni Nesta.



"Hindi naman siguro magiging matagal ang pagbagsak ng ulan, maaaring maya-maya lang, tumila rin. Maghintay na lang muna tayo ng ilang minuto," saad ni Jane na nakaupo lang habang kanina pa abala sa pananahi.



"Naubos na ang kandila, hindi pa nag-iinit ang paa ko. Gusto ko na mapagod," pagrereklamo ni Nesta na parang may mangyayari kung magrereklamo lang siya.



Malakas ang kutob ko na hindi naman magtatagal ang ulan.



"Hindi magtatagal, titila rin ang ulan. Matutuloy tayo," boses ni Lana na nagpagaan sa mukha ni Nesta.



Hindi ako tumingin sa kinauupuan ni Lana. Kinakain pa rin ako ng kahihiyan sa nangyari kanina. Kung pwede lang ibalik ko ang oras gagawin ko talaga. Sana pala nanahimik na lang ako.



Hindi nagtagal, kagaya ng sinabi ni Lana at Jane, tumila nga ang ulan. Si Nesta ang pinakamasaya sa nangyari, ni hindi na siya nakapaghintay pa at mabilis na umakyat para makapagbihis ng bagong damit.



Nasa labas na ako ng bahay nila, hinihintay ang pagbaba ni Nesta nang biglang lumapit sa akin si Jane. Pakiramdam ko masyadong napuno ang utak ko nitong mga lumipas na araw at nalilimutan ko na ang pinakadahilan kung bakit ako nandito.



"I could not wait to bring you there," tipid niyang ngiti sabay tayo sa tabi ko, "and Lady Lana too." Dagdag niya matapos ang ilang segundong hinto.



"Sayang hindi natin kasama si Miss Heather," sagot ko na nagpahinto sa kanya. Maya-maya pa, narinig ko ang mahina niyang tawa bago iharap ang katawan sa akin.



May sasabihin pa sana siya kung hindi lang bumaba si Nesta.



"Tara na," mabilis niyang pagyayaya na nagpakunot ng noo ko.



"How about Lady Lana?" Jane asked the question I've been meaning to ask.



Nesta blinked. "Masama raw ang pakiramdam niya, sa susunod na lang siya sasama. Sayang nga kasi nabanggit pa naman sa akin ni papa na usap-usapan daw na may nakakita kay Sibyl sa theatre. Hindi natin alam, mamaya makasalubong natin si Sibyl sa daan," Nesta blushingly explained.



Everyone is drawn to one person, and that is Sibyl.



Naramdaman ko naman ang siko ni Jane na tumama sa braso ko, nang tingnan ko siya para sana tanungin kung bakit, nakita ko ang mabilis niyang pagkindat sabay lapit ng labi niya sa tenga ko.



"Kung sakaling malaman ni Nesta na nakatabi mo si Sibyl, ano kaya ang mangyayari?" Jane ran her thumb across her jaw before walking inside the carriage.



I blinked. Without any idea how to take her words, I followed them.



There is only one subject that keeps coming from Nesta's lips, and that is how amiable and talented Sibyl is. Her definition of Sibyl is not as deep as how Jane defines Heather, but Nesta is different. She admits her affection towards Sibyl openly, not afraid of judgements.



Hopeless shadow and Golden urns # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon