Kabanata 35

36 4 0
                                    

Scent and Oils


"Nasaan sina Basil at Hans?" tanong ni Jane pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay. Tanging si Nesta at Heather na lang ang nandito.


"Inutusan ko muna sa bayan, ang ingay eh," Nesta answered.


Mabuti naman at pumayag si Basil. Isip-isip ko bago muling bumalik sa upuan ko kanina.


"Anong oras kaya matatapos si papa at Lana sa pag-aaral nila?" kuha ni Nesta sa tinapay na hugis bulaklak sa ibabaw ng lamesa.


"Gusto mo ba na nagtatagal si Koga rito?" tanong ni Jane sa kapatid na mabilis na tumango.


"Most definitely," sagot ni Nesta bago tumabi sa akin. "I like it, when you're around." Nesta whispered stunning me.


I blinked three time before smiling. I was not expecting that.


Komportable si Nesta na ipakita ang nararamdaman niya sa ibang tao pero minsan nagugulat pa rin talaga ako.


Nesta, just like her siblings, is really attractive. Finely curved natural pink lips, green eyes similar to her mother, Mrs. Elliot. There is something in her face that can make people trust her without knowing her intention. She is beautiful. Ngayon ko lang napansin na parehas sila ng kulay ng mata ni Heather.


They are living in England, and most people here do have blue and green eye color. Jane and Basil do share the same eye color which is blue.


But Lana's eye color is similar to the color of the earth.



"Ayan na si Miss. Lana," boses ni Heather turo-turo si Lana na nasa labas ng bahay kausap si Mr. Elliot. Nasa may labas lang sila ng binatana kaya naman tanaw namin sila mula rito sa loob.


"Tapos na? Uuwi na kayo?" yakap sa akin ni Nesta.


Tipid akong ngumiti bago hawakan ang kamay niya. "Nesta, hindi ko alam na ikaw rin pala si Sylvaine." Pag-iiba ko ng usapan.


"Oh? Sa aming magkakapatid, kaming dalawa lang ni Basil ang may mahabang pangalan. Damian Basil and me, Nesta Sylvaine," mahaba niyang paliwanag.


Then Marcia Elliot and Jane Elliot huh.


"Ang ganda ng pangalan mo," pag-aamin ko na nagpangiti sa kanya.


"Hmm? Sa tingin ko mas maganda 'yung Nesta," isip-isip niya pa. "Sige, gagamitin ko na 'yung Sylvaine simula ngayon," malawak niyang ngiti na nagpahinto sa akin.


Huh?


"Nga pala, nabalitaan ko na nandito raw sa bayan natin si Sibyl!" Nakapasok na si Koga ng sabihin iyon ni Nesta kaya naman kitang-kita ko kung paano siya natigilan.


"Sibyl? Hindi ka ba nagkakamali sa nasagap mong balita?" Takip ni Heather sa bibig niya na kagaya ni Nesta ay halatang masaya rin sa narinig.



Nakalimutan kong dalawa nga pala silang may gusto kay Sibyl.


Pasimple akong ngumiti bago ilipat ang tingin kay Lana na nakakunot ang noo sa akin. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nakangiti ngayon.


What a handsome woman you are, Lana Margaux.


Napaatras ako matapos mapansin ang paglalakad ni Lana papalapit sa amin. Maya-maya pa ay tumigil na siya sa harapan ko.


Walang nagsasalita sa aming lahat, kahit sila Nesta at Heather natahimik din.


"Masakit pa rin ba?" may halong pag-aalala niyang tanong na nagpaatras kay Nesta. Mabuti na lang at nahawakan ko siya sa braso.


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now