Kabanata 19

33 4 4
                                    

Dust and the cloth


Hindi ako mapakali kahit pa nakaupo lang ako sa labas ng bahay nila Jane.


Nang matapos magpakilala sa isa't-isa, kumain muna sila maliban sa amin na mas naunang kumain. Ako lang ang mag-isa ngayon sa labas, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung papasok ako.


Alam kong hindi ko dapat nararamdaman ito, pero hindi ko maiwasang hindi makita ang pagkakatulad ni Lana at Sibyl.


Fuck. I am doomed, again.


Nababaliw na ba ako dahil sa mga nangyayari sa akin?


Posible.


What a great day to run away from all my responsibilities.


"Hilig mo ba talagang mapag-isa?" halos mapatalon ako sa boses ni Jane na nakasilip sa may pinto.


Hawak-hawak ko ang dibdib habang umuusog, pag-aalok sa kanya na maupo sa tabi ko.


"Hindi," sagot ko habang nag-iisip ng idadagdag.


"Nagpapahangin lang ako."


Bobo ka, Koga. Malamig sa loob ng bahay nila.


Tumingin lang sa akin si Jane pero walang sinabi. Parehas na kaming nakaupo ngayon. Wala ni isa sa amin ang nangahas na putulin ang nakaaantok na katahimikan hanggang sa biglang sumulpot si Nesta sa likod namin.


"Naiintindihan ko kayo, masyadong maganda si Lana na naubos na ang mga salitang gusto nating sabihin."


"Nesta," saway ni Jane sa nakatatandang kapatid na umupo na rin sa tabi ni Jane. Wala tuloy ibang nagawa si Jane kung hindi ang mas lalong tumabi sa akin para lang magkasya ang kapatid.


"Kayo naman kasi, dumating lang si Lana ang tahimik niyo na agad. Lalo ka na Koga, ang tahimik mo."


I don't remember having a long conversation with her.



"Koga does not even talk to you," Jane spoke.


...



Walang nagsalita sa aming tatlo matapos ang sinabing iyon ni Jane. Gusto ko na lang bigla maglaho sa kahihiyan.


Mas lalong lumakas ang hangin kaya naman hindi nagtagal ay naisipan na rin naming pumasok. Pagkapasok sa loob ng bahay, sumalubong sa amin ang pamilya ni Jane pati si Gael na nakatayo sa likod ni Mr. Elliot.


And Lana.


Something in her stare bothers me.


"Maupo kayo, sakto pinag-uusapan namin kung saan muna tutuloy si Miss Lana," boses ni Mrs. Elliot.


Hindi kami nagsalita, naupo naman ang dalawa sa upuan habang nanatili naman ako sa pagtayo sa likod ni Jane.


"May bakante pang silid sa tabi ng tinutuluyan ni Miss. Koga, kaso may mga nakatambak pa na gamit doon, ayos lang ba 'yon sa 'yo? Tutulungan ka na lang nila Nesta na ayusin ang silid," Mrs. Elliot spoke.


"Sa silid kaya ni Koga?" suhestiyon ni Nesta na nagpahinto sa akin. Para akong nawalan ng hininga bigla.


...


Sa sinabing iyon ni Nesta, kaagad kong inilipat ang tingin kay Lana. Laking gulat ko sa pagtatagpo ng mata namin. Ilang segundo kong nilabanan ang titig niya hanggang sa ako na rin mismo ang pumutol.


Hopeless shadow and Golden urns # 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن