Kabanata 44

26 3 4
                                    

Fingertips



All my worries are now being hidden in silence. I did not speak, nor open my mouth while we're inside the carriage from Marcia's house.



Masama ang loob ni Nesta sa naging desisyon ng kapatid kaya hindi na niya nagawang makapagpaalam sa kapatid nang maayos. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Marcia habang nagpapaalam kami sa pag-uwi. Alam kong masakit sa kanya ang hindi pagbalik ni Nesta pero tipid lang siyang ngumiti sa akin.



Matapos din malaman na sa iisang bubong kami nakatira ni Lana, pinabaunan niya pa kami ng mga pagkain na siya rin ang nagluto.



Mauuna kaming bumaba ni Lana sa karwahe, kaya naman nang matanaw ko na ang bahay, nilunok ko na ang pangambang nararamdaman at mabilis na ipinatong ang kamay sa palad ni Nesta na katabi ko lang.




"Magpahinga ka na sa oras na makauwi ka sa inyo," sinubukan kong pagaanin ang loob niya kahit pa alam kong hindi mababawasan ang bigat na nararamdaman niya ngayon.



"Salamat sa pagsama sa 'kin," narinig naming sabi ni Nesta matapos ang mahaba-habang katahimikan.



Nagkatinginan kami ni Lana nang biglang huminto ang karwahe na sinasakyan. Nang makapagpaalam si Lana kay Nesta, tahimik na kaming bumaba.



Wala ni isa sa aming dalawa ang nangahas na magsalita habang nakatingin sa karwaheng unti-unting lumiliit sa paningin namin hanggang sa tuluyan na itong maglaho.



"It must be hard for them," I mumbled.



Lana pressed her lips together. "After you," she said while showing me the way.



Tipid akong ngumiti bago pumasok sa loob ng bahay, tahimik namang nakasunod sa akin si Lana. Hindi na ako nagluto dahil sapat na ang ibinigay sa aming pagkain ni Marcia kanina, mukhang sosobra pa nga kasi kaunti lang kumain si Lana.



"Magpahinga ka na, ako na ang bahala sa paghuhugas," kuha ni Lana sa plato ko na wala ng laman.



Tahimik kong pinagmasdan ang likuran niya habang nakatayo siya sa may lababo.



I brushed my lips while staring at her as she gently placed the plates beside her.



Mahina akong tumawa bago tumayo at lumapit sa kanya. Nagulat siya nang makalapit ako sa kanya pero walang sinabi.



"I can help you dry the plates then we'll rest together," kindat ko.



Bigla naman siyang naubo bago mabilis na umiwas ng tingin sabay usog para makatabi ako sa kanya.



Tahimik niyang hinugasan ang mga plato bago ibigay sa akin. Pinupunasan ko naman ang mga plato bago ibalik sa lalagyan. Kung isa ang araw na ito sa mga araw kung saan hindi ko pa ganoon kakilala si Lana, siguro maiilang ako.



Pero marami na ang nabago simula nang tumira kami sa iisang bubong.



At dahil dalawa lang kaming kumain, mabilis naming natapos ang paghuhugas. Maya-maya ay biglang nagtanong si Lana kung gusto ko ba ng tsaa bago kami umakyat sa taas.



Tumango ako kahit pa hindi ako umiinom ng tsaa. Minsan lang siya mag-alok kaya naman hindi na ako nag-isip pa at mabilis na tumango.



"Huh?" sandal ko sa may lababo habang nakatingin sa black coffee na ginagawa niya.


"Akala ko ba tsaa?" tanong ko matapos makita na sa isang baso lang may tsaa.



Lana rolled up her sleeves while giving me a slight smile. "But you don't like tea." Abot niya sa baso ko bago ako lagpasan.



Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now