Kabanata 29

46 4 8
                                    

Borrowed


Huminga ako nang malalim bago ihagis ang maliit na bato sa malayo. Halos tatlong minuto na ang lumipas matapos akong lumayo kay Lana pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na pumasok sa loob ng silid kung nasaan si Jane ngayon.


"Shit!" Inis kong sigaw sabay hagis ng pangalawang bato.


"Miss Koga?"


Mabilis akong tumingin sa pinanggalingan ng boses.


...


Akala ko ay kasama niya pa rin si Levi hanggang ngayon.


"Gael," I whispered.


Tahimik siyang tumayo sa tabi ko, walang sinasabing kahit anong salita.


"Anong ginagawa mo rito, nasa loob ang kasiyahan," he explained after that silence.


Ngayong katabi ko si Gael, hindi ko maiwasang mahiya dahil sa narinig ko kanina. Alam niya kaya?


...


'Wag naman sana.


"Nakasalubong ko si Miss Jane ngayon-ngayon lang, hinahanap ka rin niya, mukhang nag-aalala siya sa 'yo kaya naman tumulong na ako sa paghahanap," mahaba niyang sabi ni hindi man lang ako binigyan ng oras na masagot ang nauna niyang tanong.


His words left my skin stinging. Jane is worried?


"Pasensya na sa abala, nagpahangin lang ako sandali, papasok na rin ako," sagot ko sabay pagpag ng kamay sa damit.


Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ako paunahin sa paglalakad.


Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Hindi man lang nabawasan ang mga bisita. Halos lahat may kanya-kanyang ginagawa.


Hanggang anong oras kaya ito matatapos?


"Hanggang dito na lang ako, may kakausapin lang ako," Gael excused himself before walking away.


Naisip ko agad si Levi. Baka si Levi ang kakausapin niya.


Huminga ako nang malalim at itinuon ang buong pansin sa pinto na nasa harapan ko.


"Okay," I whispered before knocking three times.


Akmang kakatok pa ako ng pang-apat nang biglang malawak na bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang namumulang mukha ni Jane.


Walang salitang lumalabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanya na diretso lang ang tingin sa akin, halatang hinihingal dahil sa mabilis na paghinga.


Narinig ko pa ang pagtunog ng hawakan ng pinto dahil sa paghigpit niya ng hawak doon.


"Sorry lumabas ako sanda—"


Hindi ko nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil sa mabilis niyang paglapit sa akin. Mahigpit niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap, halos maestatwa ako sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


Mas nanlaki ang mata ko nang makita si Heather sa loob ng drawing room, diretso lang ang tingin sa aming dalawa ni Jane. Hindi siya nakangiti kagaya ng palagi kong nakikita sa kanya kaya naman hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.


Nang iwasan ko ang tingin ni Heather, bigla akong nakaramdam ng pagsisisi matapos mapako ang mata kay Lana na diretso lang ang tingin sa akin. Kung dati na tuwing naaabutan ko siyang nakatingin sa akin ay mabilis siyang umiiwas ng tingin, sa pagkakataong ito, mas naging malalim ang tingin niya sa akin.


Hopeless shadow and Golden urns # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon