Kabanata 26

47 3 5
                                    

Stately



The world, for sure, is made of mysteries. I think the hardest thing I am facing right now is not the new environment, but what fills it. It's not the words they speak, or the definition they give, but the emptiness yet thinking that nothing is empty.



My mind is following every possible thread I can use to analyze what happened, but the idea of pulling the thread and knowing the truth can be scary.



"Koga!" Mabilis na lapit sa akin ni Nesta.



Ilang minuto na ang nakalipas mula nung maghiwalay kami ni Sibyl...ni Lana.



Wala akong narinig na mahabang paliwanag mula sa kanya maliban sa isang salitang binitawan bago maglakad palayo sa akin.



Later



"Nagulat ako kanina nung hindi kita nakita, saan ka naman nagpunta?" Nesta asked.



Sandali kong pinasadahan ng tingin si Jane na tipid lang na ngumiti bago muling ilipat ang tingin kay Nesta.



"Nakita ko si Sibyl kanina," nag-aalangan kong sagot na nagpaawang sa labi niya. Ilang segundo siyang walang nasabi sa akin hanggang sa makarating na ang sundo namin.



Inside the carriage, Nesta wouldn't stop asking me about Sibyl. And in every word I utter, the guilt inside my chest keeps growing.



To be honest, I do not mind pretending.



Hindi ko ganoon kakilala si Lana pero alam kong may dahilan sa mga ginagawa niya. Mahirap magpanggap na lalaki ka sa mata ng lipunan, kaya naman kahit papaano ay hindi ko maiwasang hindi bumilib lalo pa at may nagawa siyang pangalan para sa kanya. Kahit siguro sino ang tanungin ko tungkol sa kanya lahat ay may masasagot.



Paano niya natagalan ang pagpapanggap?



Well, for a woman, I can say that Lana is really handsome. I like how I can compare her beauty to every season. I love defining her features as if it's the best thing in the world. I am not good with words but every time I look at her, my mind automatically searches for the right term.



Nang huminto ang sinasakyan, hinintay ko muna na makababa ang magkapatid bago sumunod sa kanila papasok sa bahay. Iisa lang ang bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon.



Gusto ko siyang makita at makausap.



Sa palagay ko, magkakaroon ng pagbabago sa kung papaano niya ako pakitunguhan, at ayos lang sa akin.



"Nasaan si Lana?" Nesta asked while looking around.



"Nabanggit kanina ni papa na baka kunin nila ang ipinatahi ni mama at Basil para sa isusuot nila sa gaganaping kasiyahan sa bahay nila Heather," tipid na sagot ni Jane na nakaupo na ngayon sa upuan, nakapikit ang mata habang mabagal na hinihilot ang sentido.



Tipid akong ngumiti bago lumapit sa kanya, "gusto mo hilutin kita?"




Gulat siyang tumingin sa akin sabay tango, "salamat, kanina pa masama ang pakiramdam ko."



Lumapit ako sa likod niya bago ipahid ang malagkit na tubig na hindi ko alam pero tinanggap ko pa rin kasi galing kay Nesta na kaagad inabot sa akin matapos makita ang pag-aalok ko kay Jane.



"Magpahinga ka na muna pagkatapos nito, mamayang gabi na pa naman ang kasiyahan, mahirap na at baka sa amin ka hanapin ni Miss. Heather," saad ni Nesta na nakaupo ngayon sa pang-isahang upuan, sa tabi lang ng inuupuan ni Jane.



Hopeless shadow and Golden urns # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon