Kabanata 36

39 4 1
                                    

In this lifetime


"Tulungan na kita," boses ni Lana na nakatayo ngayon sa tabi ko.


Hapon na, maya-maya lang ay kakain na kami ng hapunan. Hindi ko hahayaang magluto ulit si Lana para sa amin. Mahirap na at baka masunog pa ang buong bahay kung hahayaan ko siya sa loob ng kusina.



"Kaya ko na, upo ka na lang," turo ko sa upuan sa may lamesa na malapit lang sa kusina. Walang ibang pwedeng pagkaabalahan sa bahay na ito kaya naman walang ibang magagawa si Lana kung hindi ang maupo at hintayin akong matapos.


Habang mas tumatagal na nakakasama ko si Lana, aaminin kong unti-unting gumagaan ang loob ko sa kanya kahit pa may mga pagkakataon na talaga namang halos wala akong masabi dahil sa pagkailang na nararamdaman. Pero mabuti na lang at ganito na ang nararamdaman ko sa kanya.


Mabait si Lana, wala siyang ibang ginagawa na makasasama sa akin, o sa mga taong nasa tabi niya. I admire her.


For our dinner, I want to make her something delicious because she stayed up late taking care of me.



I know how to cook. My mother is Japanese, and growing up with her and her cooking tips, it became easy for me to cook the dishes I love.


Since the watercress and turnips are both cheap, I decided to make watercress soup with some meat in it.



"My mother actually loves this," I mumbled while preparing the next dish which is turnip that I decided to roast for this evening.


I am not a huge fan of turnips but it's fine since this is cheap, so...


Bago kami umalis kanina ni Lana sa bahay nila Jane, inabutan kami ni Mrs. Elliot ng isang basket ng tinapay kaya naman inihanda ko rin iyon sa hapag habang si Lana ay tahimik lang na nakatingin sa akin.


And since we have a hard block of cheddar cheese, the bread will perfectly fit tonight's dinner.


Nailapag ko na lahat sa lamesa, hindi ako masyadong nahirapan sa paghahanda siguro kasi ilang beses ko na pinanood si Mrs. Elliot na maghanda ng pagkain sa bahay nila.


"And to perfect my greatest delicacies of all," mahina kong tawa bago ilapag ang pasimpleng inabot sa akin kanina ni Nesta.


A bottle of low alcohol beer.


Inilipat ko ang tingin kay Lana na may ngiti sa labing nakatingin sa mga pakain sa harap niya.


Wala na akong sinabi pa bago maupo. Hindi siya mukhang nagulat na marunong ako magluto, akala ko pa naman magugulat siya.


...


Magugulat? Bakit naman siya magugulat sa akin?


Koga, you're delusional.


"May iba ka pa ba na gusto?" tanong ko matapos mapansin na parang bigla siyang nalungkot.


Dahan-dahan niyang niyang ipinilig ang ulo bago tipid na ngumiti sa akin. "I am not just expecting to see... turnips again," pabulong niyang sagot na nagpakunot sa noo ko pero hindi na ako nagdagdag pa ng tanong at tahimik na lang na umupo sa katapat niyang upuan.


"Do you like turnips?" tanong ko sabay kuha sa kutsara.


"I do, but I want to know why you decided to cook this tonight, you're not fond of turnips. You think turnips are bitter."


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now