My Sadist Girlfriend: Chapter 21.5

280 4 2
                                    

Author's Note: Dito po ipapakita yung side ni Rence Choi nung makita niya si Colleen. :)

Dedicated to SweetieEK, babae~ Miss na kita~ I love you ulit. Ingat palagi ah? Lovelove. :**

==================================================

Rence's POV

Haaay! Nakauwi na rin ng Pilipinas! Nakakamiss din pala langhapin ang hangin ng Pinas. Nag-enroll naman ako dito sa isang university. Dito na rin ako mag-aaral eh. Fresh from America. :)

Matagal na rin akong hindi nakakapaglaro ng Judo kaya pumunta ako sa isang Judo Training Hall na madalas naming tinatambayan ng Kuya ko noong bata pa ako.

Ayos! Medyo marami-rami din ang mga tao. Nagpalit na rin ako ng damit at naghanap ng pwedeng kalabanin sa isang match.

After 1 hour

Mga walang binatbat sa akin! Hahahaha. Uy! Sino yun? Ang ganda, malapitan nga. Nakayuko siya, 'di ko tuloy makita ang mukha. Hah? Kung bakit ko sinabing maganda kahit di ko pa nakikita ang mukha? Wala, naramdaman ko lang. :) Joke. Pwahahaha. A man's instinct. 

"Want a match?" -tanong ko.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at.. nakita ko si Mari. Ang kababata ko. :)

"Sure." -sagot niya. Whoah. Hindi niya ako nakilala. Pfft. Tumanda na talaga ang iyaking clown. Sinimulan na rin namin ang match. Tingnan nga natin kung sinong mananalo sa aming dalawa.

*BLAG BOOG PAK TAK BLAG BOOG TOOOG*

"Aiyaaaaaaaa!" -sigaw niya. 

"Pretty good, huh?" -sabi niya sa akin. Tss. Hindi niya pa rin ako nakikilala. Ulyanin talaga.

"Yeah." -sagot ko.

"One more?" -tanong niya. Wow, hindi sumusuko. Persistent girl. :)

"Sure as you wish."  -sagot ko.

*BLAG BOOG PAK TAK BLAG BOOG TOOOG*

Aww. Natalo niya ako. Joke! Pinagbigyan ko lang siya! Hindi ako natalo. -__-

"YAY! HAAAY! FINALLY!" 

Her smile is still genuine like before.

"You're still strong." -sabi ko.

"Thanks." -sabi niya at umalis na. Umalis na rin ako at nagbihis ng damit. Pagkatapos nun ay agad na inabangan ko siya sa labas ng locker room. I want to suprise my Mari. :)

Mari tawag ko sa kanya para unique at malaman niya na ako yung tumatawag sa kanya.

Ayun oh, lumabas na rin siya at tumingin sa akin. Na-weirduhan siguro dahil kanina ko pa siya sinusundan kaya lumapit ako.

"Hello. I'm Rence Choi and you are?" -sabi ko sa kanya.

"Wait. Rence Choi?"

Natawa naman ako sa pagkunot ng noo niya at tinitigan ako ng mabuti. Maya't maya ay bigla siyang ngumiti. Sa wakas! :D

"AHH! Rence Oppa! How are you?! This is me! Colleen! Colleen Estrada!" -sabi niya sa akin habang tumatalon sa sobrang tuwa, ang ingay pa rin ng babaeng 'to.

"Aww. I'm so glad that you remembered me. It took you longer before you recognized me. I'm fine." -sabi ko sa kanya habang nakangiti, napansin ko rin na natulala ito ng ilang segundo kaya tinitigan ko siya at winagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Hoy! Pwedeng mag-Filipino? English ka naman ng english pati ako nahahawaan!" -reklamo niya sa akin. Bagsak kasi 'to sa English nung elementary pa kami. XD

My Sadist GirlfriendWhere stories live. Discover now