Kabanata 1

451 8 0
                                    

       I'm Alice at ito ang Horror story na ibabahagi ko sa inyo. Bata pa ako ay kakamabal ko na talaga na malakas ang pakiramdam ko pagdating sa mga kakaibang nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao. Hindi ko alam kung bakit may ganito akong kakayahan ang makaramdam at makakita ng mga nilalang na kakaiba. Since Elementary ay nakakaranas na ako ng mga kakaibang pakiramdam na ganito , madalas ko din itong maikwento sa Mama ko , naiintindihan naman ako ng Mama ko dahil namana ko ata ang kakaibang kakayahan na ito sa Mama ko. Tama kayo madalas din makakita ang Mama ko ng mga kakaibang nilalang. Napaisip pa nga ako kung namamana din ba ang ganitong kakayahan. Habang lumalaki ako at nagkakaedad ay nasanay narin ako sa mga ganitong weird experience  sa mga Multo at kaluluwa , hanggang sa nakasanayan ko nalang at naging normal na saken ang mga ganitong pangyayari. Pero isang matinding pangyayari ang nakalukob saken ng matinding takot at kaba.

Naataasan akong pumunta sa Probinsya ng Cagayan de Oro City ang City of the Golden Friendship , Maayos naman kaming nakarating ng aking mga kasamahan na sila , Peter , Warren , At Paul , Yes puro mga barako po ang kasama ko at nagiisang babae lang po ako.

" Paano na yan wala pa tayong matutuluyan ngayong gabi? Tanong ni Warren samin.

" Kaya nga eh akala ko naman okay na yung tutuluyan naten pero grabe ang layo pala nun sa office naten mas mahihirapan tayo! Sagot naman ni Peter.

" So anong gagawin naten? Tanong ko sa mga ito.

" Ahmmm ganito nalng , tutal eh wala tayong matutuluyan okay lang ba sa inyo na magHotel nalang muna tayo? Tanong ni sir Paul.

Napatinggin naman saken ang mga ito.

" Bakit nakatinggin kayo saken? Taka kung tanong dito.

" Okay lang ba sayo na maghohotel tayong apat? Tanong ni Warren.

" Oo naman basta wag lang akong tatabi sa inyo okay na yun! Sagot ko.

" Tsaka wag kayo mag alala kasi Trans Gender naman yan si Alice eh! Pang aasar pa ni Sir Paul.

Nagtawanan naman ang mga ito.

Nagsimula na kaming maglakad lakad at magtanong tanong kung meron ba kaming makukuhang Kwarto na pwede kaming apat.

" Pasensya na Sir Fully booked po kami ngayon! Sagot ng isnag receptionist.

" Ganun po ba? Meron pa po ba kaming ibang makikita na hotel dito? Tanong ni Warren.

" Ahmm try nyo dun sa kabilang kanto madami pa duon na mga hotel baka may mga bakante pa sila." Sagot ng receptionist.

Agad kaming naglakad lakad at nagtanong tanong ulit sa mga madadaanan naming mga Hotel.

" Okay lang ba na magpahinga muna tayo? Napapagod na ako eh , ang bigat bigat na ng dala dala kung bag! Anas ko sa mga ito.

" Mabuti pa eh Kami nalng muna ni Peter ang maghahanap kayo nalng muna dito ni Warren , kailangan nateng makakita ng matutuluyan kahit ngayong gabi lang." Si Sir Peter.

Naiwan nga kaming dalawa ni Sir Warren na nakaupo sa isang saradong establishment.

" Grabe ang ganda dito sa CDO noh? Pero grabe din struggle sa Langguage! Naiiling kung anas kay Sir Warren.

" Oo nga eh pero mga ilang Months lang matututunan din naten ang magbisaya! Sagot ni Warren.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakita na namin na naglalakad sila Sir Paul at Peter.

" Mukhang nakakkita na sila ng matutuluyan naten.! Si Warren.

" Oo nga wala ng mga dalang Bag eh! Nakangiti kung anas dito.

" Tara na! Tumayo na kayo dyan , nakakita na kami ni Peter! Si Sir Paul.

" Sa wakas ! Anas ko.

Kinuha ni Peter ang Bagpack ko at nilakad na namin ang nakuhang hotel ng mga ito.

Pumasok kami sa isang Hotel na hindi naman kalumaan.

" Dito tayo? Bulong ko kay Peter.

" Oo ito lang kasi ang mura na nakita namin ni Sir Paul eh! Sagot nito.

" Tara na! Aya ni Sir Paul at umakyat kami sa hagdan papuntang 3rd floor.

Habang binabaybay namin ang Hagdan ay nakakaramdam ako nh hindi maganda. Parang lumalaki ang ulo ko at naninindig ang balahibo. Hi di ko maipaliwanag kung anong kaba ang bumabalot sa katawan ki ngayon. Sa wakas ay narating na namin ang pinto ng kwarto. Binuksan ito ni Sir Paul at binuksan ang switch ng ilaw.

" Oh Alice , pumili ka kung san mo gusto pumwesto? Tanong ni Sir  Paul.

" Dito nalng ako sa Sahig akin nalng itong Kama! Sagot ko.

" Sige ako nalng at Si Warren dito sa ibaba ng double deck at si Peter nalng sa taas. Si Sir Paul.

Naupo ako sa upuan at inilibot ang mga mata sa buong kwarto , medyo nawala nadin ang kaba na naramdaman ko kanina , siguro ay napapagod lang talaga ako.

" Teka nasan pala ang Cr? Tanong ko.

" Dun sa kabilang Pinto na nadaanan naten kanina sa may hagdan! Si Peter.

" Samahan mo nga ako! Anas ko naman dito.

" Laki laki mo na magpapasama kapa! Inis na si Peter.

" Hala ka may mumu dun Alice! Pananakot pa ni Warren.

" Ewan sa inyo , at palagay nyo saken takot sa mumu , mumu na yan huh? Inis kong tanong sa mga ito.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang Banyo , agad ko naman itong nakita , pumasok ako at isa isang sinilip ang mga cubicle , Tanging shower Curtain lang ang nagsisilbing pinto ng mga cubicle ng Banyo.

" Hala , walang pintuan? Tanong ko sa sarili.

Napaismid at napakamot nalng ako sa ulo at inilock ang main door ng Banyo para walang pumasok dito , nakakatakot kasi na baka biglang may pumasok sa Banyo , lalo na at pangkalahatan ang cr na ito. Pumasok ako sa pinakadulong cubicle para narin medyo malayo sa pinto ng Banyo. Nagsimula na akong isabit ang mga damit at tuwalya na dala² ko.

Binuksan ko ang Shower at nagsimulang maligo , napakalamig ng tubig na nagmumula sa Shower kaya medyo napapahiyaw ako , inabot ko ang shampoo at inilagay sa ulo. Napahinto ako at isinara ang Shower ng may narinig akong umiyak sa loob ng banyo. Agad kung kinuha ang tuwalya ko at tinapis ito , dahan dahan akong sumilip sa Shower curtain , pero nakasara ang pinto ng Banyo. Aaminin ko pero nakaramdam ako ng sobrang takot.

Pinilig ko ang ulo ko at hinubad ko ulit ang tuwalya na tinapis ko pero ng nagtangka akong buksan ang shower ay muli ko na naman narinig ang mga paghikbi hanggang sa lumakas ito ng lumakas , binalot ako ng sobrang takot at napakapit sa Tenga ko at tinabunan ito ng mga kamay ko. Palakas ng palakas ang iyak na parang nasa tengga ko na ang tunog nito , takot na takot akong napaupo sa banyo.

HousemateWhere stories live. Discover now