Kabanata 42

27 0 0
                                    

Mag aalas sais na ng hapon kaya naghahanda na naman ang mga ito sa muling pag Sapi ni Rigor sa katawan ni Alice. Kaya naroon ang apat na mangagamot at nakapaligid sa kinahihigaan ni Alice.

Nakahanda narin ang tatlo sa labas ng kwarto ng dalaga , Si Lando , Si Peter at Paul. Nagsign of the cross din ang ama ni Alice na si Lando.

Tahimik lang si Alice habang nakikiramdam din sa pagdating ng aninong si Rigor. Napapikit ito at hinawakan ng mahigpit ang hawak na rosaryo na bigay ng Amang si Lando.

" AHHHHHHHHHH! Sigaw ng dalagang si Alice

Awang awa si Lando sa anak na si Alice pero malakas ang pananalig nito sa itaas na matatapos din ang lahat.

" TAMA NAAAA! sigaw pa ng dalaga.

Maging si Bernard ay naawa narin sa kalagayan ni Alice , gustuhin man nya itong damayan pero kailangan nyang maging focus sa gagawin nilang proteksyon para hindi mapasukam ni Rigor si Alice.

" Tamaaa Naaaa! Hirap na hirap na ako!!! Sigaw pa ni Alice.

Nahihirapan ang Itim na kapangyarihan ni Rigor na makapasok sa katawan ni Alice dahil narin sa ginawa nilang ritwal para proteksyunan ang dalaga.

" BAKITTTTTT! Sigaw naman ng boses ni Rigor.

Patuloy parin sa konsentrasyon ang mga ito sa pag usal ng orasyon para proteksyunan ang dalaga.

Umiiyak at sumisigaw ang dalagang si Alice dahil sa pag pupumilit na makapasok ni Rigor sa katawan nito , pero nahihirapan ito.

Our Father, who art in heaven,
hallowed be thy Name,
thy kingdom come,
thy will be done,
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread.
And forgive us our trespasses,
as we forgive those
who trespass against us.
And lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
For thine is the kingdom,
and the power, and the glory,
for ever and ever. Amen.

Nagusal ng panalangin si Alice kahit hirap na hirap na ito sa kalagayan nya. Mahigpit ang pagkapit nito sa Rosaryo na bigay ng Ama ni Alice.

Ng marinig ng Ama ni Alice ang pag usal nito ng dasal ay sumabay din ito sa pag usal ng panalangin  ng anak na si Alice , at gayon din ang dalawang Binatang si Peter at Paul.

Our Father, who art in heaven,
hallowed be thy Name,
thy kingdom come,
thy will be done,
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread.
And forgive us our trespasses,
as we forgive those
who trespass against us.
And lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
For thine is the kingdom,
and the power, and the glory,
for ever and ever. Amen.

Paulit ulit na inusal ng mga ito ang panalangin kasabay ng pag usal ni Alice dito.

" AHHHHHHHHHHHH!!!!!! Sigaw ni Rigor.

Samantalang Ang apat naman ay seryosong nakapikit lang at umuusal ng Orasyon para sa proteksyon ni Alice. Kaya naman galit na galit ang Aninong si Rigor dahil sa nahihirapan itong pumasok sa katawan ng dalaga.

" MAGBABAYAD KAYONG LAHATTTTT!!!! Isang nakakakilabot na sigaw ni Rigor.

Naramdaman ng lahat na tumahimik na ang kapaligiran , at gumaan ang awra ng bahay. Umiihip mg sabay sabay ang apat sa Hangin tsaka nagbukas ang mga ito ng mata.

Patuloy parin ang pag usal ni Alice ng Dasal habang mahigpit na kapit nito ang rosaryo sa kamay.

" Siguradong babalik parin si Rigor kaya wag tayong makakampante! Si Simon sa mga kasamahan.

Agad na nilapitan ni Bernard si Alice at niyakap ito.

" Alice! Anas ng binata.

Tumulo naman ang mga luha ng dalagang si Alice ng matapos nito ang inuusal na dasal.

" Bernard! Nahihirapan na ako! Anas ng dalaga!

" Lakasan mo ang loob at tama ang ginagawa mo Alice magdasal ka lang kapag nararamdaman mo ang kapangyarihan ni Rigor! Kayang kaya mo yan Alice! Pagpapalakas ng loob ni Bernard sa dalaga.

" Wala na ba si Rigor? Bulong na tanong ni Peter kay Paul.

" Mukhang wala na sya , tahimik na ang paligid at Nasa tabi na ni Alice si Bernard ibig lang sabihin eh gumana ang ginawa nilang proteksyon para kay Alice. Anas naman ni Paul.

" Sana wag ng bumalik pa ang Rigor na iyon! Anas ni Peter.

Pumasok naman si Lando sa kwarto at niyakap ang anak nito!

" That's my girl! Nakangiting anas ni Lando sa Anak na si Alice at hinalikan ang nuo nito.

Napansin naman ni Kanor na medyo nanghihina na ang Amang si Simon.

" Bernard kunin mo ang gamot ni Amang , madali! Utos ni Kanor sa Anak.

Agad na tumakbo patunggo sa Sala ang Binatang si Bernard at agad na kinuha ang gamot ng matandang si Simon. Bago ipainom ito ni Kanor ay inusalan muna nito ng orasyon ang tubig at gamot na iinumin nito.

" Magpahinga muna kayo Amang! Si Kanor sa Ama.

" Okay lang ako Kanor! Mas kailangan tayo ni Alice ngayon! Alam kung hindi papayag si Rigor na matalo na lang ng ganun kaya mas magjanda kayo sa pagbabalik nito! Babala ni Simon sa mga ito.

" Lo tama si Itay kailangan mo munang magoahinga sandali , wag po kayong magalala babantayan at hindi po kami magihing kampante a posibilidad na bumalik si Rigor! Sagot naman ni Bernard.

" Oo mga Simon! Kami na muna ang bahala dito kaya magpahinga kana lang muna! Suhestyon din ni Ka Maryo.

Walang nagawa ang matandang Simon kundi ang sundin ang mga ito. Pero hindi parin sya kampante sa pwedeng pagbabalik ni Rigor sa bahay , kilala nito si Rigor at hindi basta basta ang kapangyarihan nito.

HousemateWhere stories live. Discover now